Chapter 10

5 0 0
                                    

Geoff’s POV:

Pagpasok ko ng food court napansin ko agad si Thea kasama niya si Ace. Recently ko lang nalaman na naging sila, mabuti na lang at wala na sila, walang sagabal. Mukhang seryoso ang pag uusap nila.

Umupo ako malapit sa pwesto nila. Maya maya tumayo na si Thea. There’s something wrong with her. Uneasy yung galaw niya tapos halos mamula mula na din yung mga mata niyang walang ekspresyon. Pero napatayo agad ako at awtomatikong lumapit ng madapa siya. Halos lahat napatingin dahil sa ingay ng pagkabagsak niya sa sahig.

“Ayos ka lang ba?” nakatungo siya habang paupo ang posisyon sa sahig.

     

“Ang sakit.” Sunod sunod na patak ng tubig ang pumatak sa sahig. Napatingin ako sa mukha niya pero nakaharang mga kamay niyang may pinupunasan doon.

Lumebel ako sakanya para itunghay ang mukha niya. Lumilikha iyon ngmga luha. Ganon ba talaga kasakit ang pagkadapa niya?

Tinulungan ko siyang tumayo pero bago kami makaalis nakasalubong pa ng mata ko ang madilim na tingin ni Ace saming direksyon.

Third’s POV:

"Oh! ang pangit mong umiyak hindi bagay sayo." Alok ni Geoff sa kanyang panyo.

Nasa Field sila ngayon dahil hindi naman daw clinic ang magpapagaan sa sakit na nararamdaman ni Thea.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o mabbuwisit sayo!" Kinuha niya ito at ipinunas sa mga luhang kumalat sa mukha niya.

"Teka! anong ginagawa mo?!" nagulat naman si Thea ng hapitin siya ng katabi para yakapin.

"Yakap. yakap ang tawag dito.”

"Bumitaw ka nga.” Itinutulak siya ng dalaga pero hindi man lamang ito natinag at sa halip ay lalo lang hinigpitan.

     

"Wag kang malikot. Ano bang problema?" sabi ni Geoff sa seryosong tono.

"Close ba tayo?" Hindi alam ni Thea kung bakit ganito makitungo sa kanya ang binata. Parang kaylan lang sinampal pa niya ang binata dahil siya ang dahilan kung bakit sila nagkakalabuan sa ngayon ng kanyang kaibigan na si Yen. Sinabi ni Yen na siya daw ang gusto ng binata.

"Minsan mas magaan magsabi ng problema sa mga taong hindi mo kilala kasi hindi mo iisipin ang magiging reaksyon nila, hindi mo kailangang ingatan ang bawat salitang ilalabas mo. Malaya ka." Somehow nakaramdam ng comfort si Thea sa kanya.

Loosing GripWhere stories live. Discover now