Chapter 7

17 0 0
                                    

Thea’s POV:

“Pinakikinggan mo pa ba ko?” Nilingon ko si Yen na seryosong nakatingin sakin.

 “Ahh. Oo”

“Geoff Fauston ang pangalan niya. Tulungan mo ko ha?” Masigla niyang sambit sakin.

Pumunta na ako sa 5th floor ng building at hinanap ang nagngangalang Geoff Fauston. Gusto kasi ni Yen na iabot ko ‘tong love letter na ginawa niya. Hindi ko siya matanggihan.

“Pare, chiks tara pormahan natin.”

“Sa ibang department tol oh.”

     

“Kami na niyan mamaya. Magkano ang bet niyo?” Tinginan at bulong bulungan ang natatanggap ko habang nilalakad ang corridor. Bihira lang kasing may mapadpad na taga ibang department especially babae pa dito sa kanilang building.

      

“Miss, naliligaw ka ba? Gusto mo bang samahan kita papuntang langit?” Harang ng lalaki sakin. Nakatingin siya sa blouse ko at parang pinipilit na maaninag kung ano ang nasa loob nun. Manyak!

“Hahaha! Bro, hahanapan na namin kayo ng kwarto.” Hiyaw naman ng lalaking nasa likuran niya.

Binigyan ko lang sila ng matalim na tingin. Kailangan ko ng umalis. Mas madami ng mga tao sa corridor nila.

Letse naman. Kakatapos mo lang kanina ah. Ako unang nakakita diyan. Akin yan.” Sabat naman ng isa. May ilan ilan pang lumapit saming kinatatayuan. Mukhang nagkakaroon ng tensyon.

“Nakita mo lang iyo na? Sige, hindi naman ako madamot eh. Pagkatapos ko ibibigay ko sayo.” Hinapit ako nung lalaki patabi sa kanya. Hawak niya ako sa baywang.

“Ano ba?! Let me go!” Pilit kong kinakalas ang kamay niya.

“Narinig mo yun? Ayaw sayo!” Hinigit naman ako ng isa.

Center of attraction kami ngayon. Pinapaikutan kami ng mga nakikiusyoso. Karamihan ay natutuwa sa kanilang napapanood samantalang ang iba ang sama ng tingin sakin. ‘Yun‘yung mga babae dito.

Pinag-aagawan ako ng mga taong hindi ko naman lang kilala! These Perverts!

Loosing GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon