Chapter 8

13 1 0
                                    

*Rest Room *

Thea’s POV:

Sasabihin ko ba ang dahilan? Ayoko naman isipin niyang pinipintasan ko na naman ang mga gusto niya.

“Miss, ano yang nasa leeg mo?” Napatingin ako sa harap ng malaking salamin at dun nakita ang maputing babaeng naka civilian attire na nakatingin sa akin. Visitor siguro siya. Mukhang ka age ko lang.

"Huh?” Hinawakan ko ang parteng leeg ko. Naligo kasi ako after ng P.E namin nakalimutan kong lagyan ng concealer.

Humarap ako sa kanya. Tinanggal niya yung pagkahawak ko sa leeg ko para mas makita at nagpakawala ng simpleng ngiti.

“Nakuha ko ‘to ng bata pa ako pero hindi ko alam kung paano.” Sabi ko. Naweirduhan ako sa ginawa niya pero ngumiti pa din ako pabalik.

Maputi din kasi ako kaya siguro napansin niya agad yung marka. Namangha din siguro siya dahil parang pinasadya ang marka dahil sa ma-detalyadong disenyo.

“Ako nga pala si Dana Tiara, and you are?” nakalahad ang kanan niyang kamay sakin at agad ko iyong tinanggap.

“Althea Dobrev.”

***

Geoff’s POV:

“Bro, Dana’s here.” Bulong ni Kai sakin na may panunuksong tono. Parehas kaming nakatingin sa babaeng pumasok sa pintuan.

Nakatitig lang siya sakin habang lumalapit sa pwesto namin. Bahagya niyang inabot ang mukha ko para halikan sa pisngi.

“It feels so good to get your attention.” Bulong niya bago tuluyang lumayo sa akin.

“Hi Kai” Sambit niya sa katabi ko at agad na lumapit para halikan din sa pisngi.

“What are you doing here?” Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bahagyang tumingin kay Kai.

“Kailan ba kayo magpapakita sa grupo?”

“Hindi muna hanggat hindi pa namin nakikilala yung hinahanap namin.” Seryosong sabi ni Kai habang nilalaro ang kanyang ballpen sa kamay.

“What? Hindi niyo pa din siya nakikilala?” Kunot noo si Dana na tumingin sakin na parang hinihintay niyang sabihin ko ang linyang ‘Joke lang’

Loosing GripWhere stories live. Discover now