Chapter 6

18 0 0
                                    

Thea’s POV:

Kinakausap naman ako ni Yra pero binibigyan ko lang siya ng tipid na sagot. Para kaming naglalaro ng isang tanong isang sagot.

Nahinto ako sa pagkain ko ng magsimulang magtanong si Eca tungkol sa kanilang dalawa.

"Pano kayo nagkakilala?" Masayang tanong ni Eca kay Yra. Alam kong walang ibang intensyon si Eca. Tapos na ang samin ni Ace. Ang alam nilang lahat cool kami at yun naman talaga ang dapat kong ipakita.

"We're childhood friends. Pero bata pa lang kami parehas na kami ng nararamdaman. Even our parents want us to be together. Pero pumunta ako ng states dahil may mga bagay akong inayos. He promised that he will wait for my comeback and now that I'm back. I'll make sure na wala ng aalis. Wala ng mawawala." Kita ko sa mga mata ni Yra ang siguradong sigurado niyang mga salita. Binanggit niya yun na parang kahit si kamatayan ay hindi kayang baliin ang sinabi niya. Nakakapit siya sa braso ni Ace na kasalukuyang seryosong nakatingin sa kanyang plato.

Posible kayang…

Nanginginig ang labi ko pero pinilit kong ngumiti para ipakita ang suporta sa kanila. Ang ngumiti. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay. Natatakot akong mabasag ang boses ko ng mga hikbi kung susubukan ko pang magsalita.

"Excuse me." Dumaan ang mga mata ni Ace sakin bago siya lubusang tumayo at pumunta ng C.R.

Sinubukan kong huminga ng malallim. Kailangan kong kumalma. Hindi ko alam kong hanggang kailan ko kayang pigilan ang paglabas ng mga luha ko. Hindi ko na magalaw ang pagkain ko kaya kinuha ko nalang ang yung baso ng tubig sa harapan ko para uminom.

Hindi ko pa matanggap ang mga narinig ko kanina lang. Matagal na pala nilang mahal ang isat isa. Parang mas lumalim ang baon ng patalim saking puso. Shit kailangan ko ng lumabas dito.

"Are you okay?" Pansin sakin ni Yra. Napansin niya siguro ang luhang nangingilid saking mga mata.

"I-Inaantok na kasi ako." Pagdadahilan ko.

Maya maya pa ay bumalik na din si Ace sa upuan napansin agad namin ang dumudugo niyang kamay na natatakpan ng madugong panyo.

"What happened?" Sabi ni Yra sa isang normal na tono, wala sakanya ang bakas ng pag aalala samantalang kami ni Eca ay hindi maintindihan kung ano ang dapat gawin sa kamay niyang tumutulo ang dugo.

"Nothing. May natamaan lang ako. It will easily heal." Binigyan niya ako ng isang sulyap at ngiti.

Kabisado niya ako. Alam niyang mabilis akong magpanic pag nasa ganitong sitwasyon. Napigilan ko agad ang sarili kong gumawa ng kung anumang bagay na magbibigay duda kay Yra. Halatang walang alam si Yra sa nagging relasyon namin. Mas mabuti na rin sigurong wala siyang alam.

"Bye." Sabi ni Eca ng ibaba na siya sa tapat nila.

Loosing GripWhere stories live. Discover now