Chapter 11

8 0 0
                                    

Geoff's POV:

"Geoff, Bro lagi mo talaga akong pinapahanga." Naka-ngising lumakad palapit sakin si Ivan para tapikin ako sa kaliwang balikat.

Bahagya kong ibinaling ang aking atensyon sa lalaking duguan sa gitna ng nakapaikot na mga tao, tinutulungan siyang iangat patayo ng kanyang mga kasamahan. Napangiti nalang ako sa ideyang kamuntikan niya na akong mapuruhan sa laban namin kanina, buti nalang mas mautak ako at mas mabilis sa kanya.

Dinig na dinig ko pa ang malulutong nilang mura mula sa kinatatayuan ko. I just smirked when I suddenly remembered the consequence they need to do.

"He's great. It's a normal thing for him. Kaya nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa nating kunin yung babae." Bigla nalang sumulpot si Dana sa tabihan ko. She's definitely talking to Ivan pero sakin siya nakatingin.

"Obviously, we are team here Dana, Hindi lang siya o kami ang dapat na magaling dito. It should be TAYO. Kaya we need her." Straightforward na sinabi ni Ivan kay Dana. His words made Dana shut up, halata sa kanya ang pagkairita kay Ivan.

Ivan told me that she likes Dana, but he's very rude to her. I can't believe na ganito katindi ang epekto ni Dana sa kanya. Nawawala siya sa sarili niya.

"Please her not the other way around." Pa simple kong payo sa kanya bago ako nagpaalam sa kanila para umalis. Naabutan ko pa ang pagsinghal niya sa sinabi ko.

"Bro, shots mamaya ha. We must celebrate this." Sabi ni Dave ng madaanan niya ako.

"Ge, pupuntahan ko lang si Kai. Masyadong conscious sa pagaaral eh. Tsk!" Sabi ko at sabay kaming napatawa sa sinabi ko. Ibang subject kasi ang inaattendan nun ngayon. Makeout 101.

Ilan pang mga kamay ang sumalubong sakin at tumapik sa balikat ko para bumati sa pagkapanalo ko sa laban bago ako tuluyang nakalabas sa madilim at maingay na lugar na iyon.

"Saan ka pupunta?" Sandali akong napalingon sa nagsalita bago tuluyang pumasok sa kotse. Bakit pa niya ako sinundan, akala ko makakapag usap sila ni Ivan pero mukhang wala na naman siyang ginawa.

Binuksan niya ang kabilang pinto ng sasakyan ko at pumasok.

"What are you doing?"

"Umuupo sa tabi mo?" Nasa mukha pa niya ang pagtataka sa tanong ko.

Napahawak ako sa batok ko at tumingin sa harap ng kotse bago ko hinawakan ang manibela. "Iniwan ko kayong dalawa ni Ivan para mag-usap pero bakit ka nandito? Seriously, are you dense? Do you atleast feel that Ivan has a feeling for you?" Ayokong ibuking si Ivan, gusto ko siya mismo ang magsabi kay Dana pero hindi ko na mapigil. Masyado siyang mabagal.

"Ikaw, are you that dense na kahit sinabi ko sayong gusto kita pinagpipilitan mo pa rin ako sa iba. Can't you see na seryoso akong gusto talaga kita?"

"We have the Bro code-"

"Dahil lang dun? Mas mahalaga ba yang tang inang bro code na 'yan kaysa sakin? Pwede naman nating gawan ng paraan, I can make him hate me para hindi niya na ako magustuhan. Para pwede na tayo."

"Dana, wait you don't understand. We have the Bro code at kahit walang ganun... Hindi pa rin pwede dahil hindi kita gusto. Just forget the feeling you have."

"I feel insulted whenever you rejected me."

"And I will always reject you hanggang sa matauhan ka." Bigla nalang siyang lumabas ng kotse at padabog na isinara ang pintuan. Dinig na dinig ko din ang paghiyaw niya at pagsipa niya sa kotse ko. Hindi ako nagdalwang isip na iwan siya dun. She's pain in the ass!

I was already in a hall way papunta sa kung nasaan si Kai ng makita ko si Althea. Nakatalikod siya sakin. Parang may hinihintay. Lalapitan ko pa sana siya ng makita ko agad si Yen na dumaan sa harap ni Althea without a word. Hindi pa rin pala sila nagkakaayos. Mabuti na din yun because Yen is not good for Althea.

"Althea." Lumingon siya sakin. Mamula mula yung ilong niya tas yung mata niya medyo basa. Napailiing na lang ako at nagpasyang lumapit na.

"Iniiwasan mo ba ako?" Natawa ako sa sarili kong tanong. Alam ko naman kasing oo ang sagot dun dahil ako ang dahilan kung bakit sila ganyan ng kaibigan niya.

"Bibitawan mo ko o ihahampas ko sayo itong hawak ko?"

"Hahaha. Easy." Binitawan ko yung braso niya saka itinaas ang dalawa kong kamay. "I just want a talk. I have something to tell-"

"Thea, you want a talk right? Let's talk then." Bigla nalang sumulpot ang boses ni Yen. Napatingin kaming dalawa ni Althea sa kanya habang naka focus sakin ang mga titig niya.

Humakbang si Althea papunta kay Yen but I hold her arm to stop her. "Hindi mo naman siya kailangan." Mahinang sambit ko sa kanya.

"Let go of my arm. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon, kaylan lang naman kita nakilala pero ang laki agad ng nasira mo sa buhay ko." Napabitaw ako sa mga yelong titig ni Althea sakin. Pinanood ko siyang tumalikod sakin para sundan si Yen. Nahuli ko pa ang simpleng ngiti sakin ni Yen Bago sila tuluyang nawala sa harapan ko. This is bullshit!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loosing GripWhere stories live. Discover now