Chapter 2

29 1 0
                                    

Geoff POV:

"Geoff, dadaan na siya dito. Galingan mo." Tapik sakin ni Kai at dire-diretsong umalis.

Nagsimula na akong maglakad at isinagawa ang plano.

"Ay, sorry." Nabunggo ako ng babae at agad niyang nilimot yung mga gamit kong nagpatak at syempre ayon sa plano hahawakan ko ang kamay niya at titingnan.

"B-bakit?" Sabi niya. Nailang siya sa ginawa ko. Ngumisi ako at hinila siya para isandal sa pader.

"You’re cute." Sabi ko sa kanya. Nasa corridor kami at wala namang masyadong estudyanteng dumadaan kaya walang sagabal sa plano. Kasalukyang nakapatong ang kaliwa kong kamay sa pader at hinawakan naman ng kanang kamay ko yung chin niya pataas para ipantay sa mukha ko. Napansin ko yung pamumula ng mukha niya. Gustong gusto ko talagang makita ang epekto ko sa kanila.

"Your scent smells good. It makes me want to do this." bulong ko. At bahagya kong inaamoy yung buhok niyang wala naman talagang amoy. Unti unti ko ding inilagay ang mahaba niyang buhok sa likuran niya. Hindi siya kumikibo parang hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Parehas lang kami. Hindi ko akalaing papatulan ko yung naisip na plano nina Kai. Sabi kasi nila it is the easiest way para makita ko na ang kailangan namin. Tiningnan ko ang parteng leeg niya. Wala sa kanya ang marka. Hindi siya.

"Pwede ka ng huminga." Binitawan ko na siya at nginitian saka umalis.

"Hindi pa din." Sambit ko. Napaltan ng walang ekspresyong mukha ang peke kong ngiti kanina. Bigla namang naglabasan sa kung saan sina Kai at Dave. Inakbayan nila ako.

"Bakit hindi mo tinuloy? Chiks eh. Sayang mukhang hindi pa naman papalag." Sabi ni Kai.

"Baka daw kasi magselos si Dana." At sabay nagtawanan ang dalawang gunggong na to. Binatukan ko nga parehas at binigyan ng matalim na tingin.

     

"Sigurado ba talaga kayong dito siya napasok? Ilang beses na natin tong ginagawa. Wala parin. Nasaan na ba yung mga listahan ng mga profiles ng ibang estudyante na ninakaw niyo sa office?" Pag iiba ko ng usapan.

"Easy lang, Konti nalang sila. Makukuha din natin yun." Sabat ni Dave at binigyan niya ako ng siguradong tingin. Naiinip na ako konti nalang yung oras namin. Tss.

"Tingnan mo nga naman dito pala pumapasok yan?"sabi ni Kai. Napahinto kami sa paglalakad at napalingon ako kung saan nakatingin ang dalawa kong kasama.

"This school is really a house of a gangsters." Dagdag ni Dave.

Na-una ako sa mga kasamahan kong maglakad at sinadya ko talagang dumaan sa gilid niya, nagkatama yung balikat namin. Akala niya hindi ko napansin na hindi niya ako basta nilagpasan, nakita ko kasi ang pagyukom ng palad niya. Magaling siyang kumilatis sa kung sino ang kalaban at hindi.

Thea's POV:

"Yen, ayos ka lang?" Nakita ko nalang kasi siyang tulala dito sa corridor. Maya maya pa'y unti unting may namuong ngiti sa kaniyang labi. Bigla niya pa akong niyakap ng mahigpit at tuwang tuwang nagtiti-tili. Hindi ko siya mantindihan.

"I found him. I found my soulmate a minutes ago. Ganitong ganito yung nababasa kong mga story sa wattpad. Kyaaa~"

Naglulunch na kami ngayon at kasalukuyan niyang ikinukwento ang nangyari kanina tungkol sa lalaking nakabunggo niya kaya hindi na daw niya napuntahan yung mga nagkakagulo, hindi niya na kasi naituloy dahil nag time na para sa second subject namin.

Nawala ang atensyon ko kay Yen ng dumaan sa harapan namin si Ace at ang grupo niya kasama din ang new girlfriend niyang taga labas.

"Im fine." sabi ko ng huminto si Yen sa kwento niya. I gave her a smile para mapanatag siya pero mas lalo lang siyang nabahala kasi alam niyang peke yun. Sinabi ko nalang na ipagpatuloy niya yung kwento niya.

Hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi ni Yen. Pinapanuod ko lang ang isang table kung nasaan sina Ace, tanaw na tanaw kasi sila sa kinauupuan namin. Nakakainis. Kanina lang pinabilis niya ang tibok ng puso ko ‘tas ngayon napupunit naman. Hindi ko na nagalaw ang pagkain ko. Tahimik na lang na kumain ang kasama ko.

Nakikipagtawanan yung girlfriend ni Ace sa mga kaibigan niya. Ang saya sa table nila. Bakit ganun, hindi ko naranasang ipakilala ni Ace sa mga kagrupo niya?

Si Ace tahimik lang sa pagkain. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Iniiwas ko agad ang tingin ko kahit hindi ko sigurado kung saan talaga siya tumingin. Pasimple muli akong lumingon sa pwesto nila. Napatayo na lang ako at mabilis na lumabas ng canteen, Nawalan na ako ng gana. Sinundan ako ni Yen at niyakap. Bwisit may mga luha na namang nagpapatakan galing sa mga mata ko.

"Ano bang pakielam ko kung halikan niya si Ace! Sakanya na naman siya eh pero bakit masakit to?!" Halos isang buwan na din yung pagiging civil naming pero lagi nalang akong patagong nasasaktan.

"Mahal mo pa ba?" Tanong ni Yen. Hindi ako maka imik.

Matapos ang klase, pinili ko munang hindi sumabay kay Yen. I wanna walk alone. Tumigil ako ng may nakita akong couple, they look so happy. Her laughs blend on her man's smile. Parang sila lang ang tao sa lugar na ito.

I’m staring at them with the sadness written all over my face. Unti unti na silang naglalaho na parang sumasama sa hangin.

Loosing GripWhere stories live. Discover now