“Mama.”
“Oh, anak! Diyan ka lang? Di mo ba kami babatiin?”
Naglakad si Mama papunta sakin.
Nakatayo lang ako sa harap ng kwarto.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Pano kung lumabas si Kevin?
Pano kung umalis pala si Kevin?
Pano kung bumalik siya?
Anong sasabihin ko?
Anong gagawin ko?
“Anak?”
Baka kung ano isipin nila Mama at Papa.
Baka sabihin nila, kaya ako nagtagal dito ay dahil sa may kasama…
Ano ba Yvana? You’re just 17 years old. Wag ka nga masyadong mag-isip!
Pero kasi… Pano nga kung nangyari yun? Anong gagawin ko?
Siguradong magagalit si Mama… at si Papa, baka di na niya ako kausapin kahit kailan.
Pano kung…
Bumukas ang pinto at nasa likuran ni Papa si Kevin…
Nakayuko.
Hala! Anong gagawin ko?
Kevin…
“Yvana.” Sabi ni Papa
Hindi ako sumagot.
“Ipaliwanag mo nga sakin to.” Sabi ulet ni Papa.
“Anong nangyayari?” sumabat naman si Mama sakin.
“Itong si Yvana, may kinakasama palang lalaki dito. Kaya naman pala hindi niya naiisipang umuwi. At anong akala niyo? Matatago niyo samin to? Yvana naman. Ang babata---“
“Hindi po ganun, Pa. Wala po kaming ginagawang masama ni Kevin. Magkaibigan lang po kami.”
At tumingin ni Kevin sakin.
Hindi ko maipaliwanag pero parang nanikip yung dibdib ko.
Parang naluluha ako.
Magkaibigan nga lang ba talaga kami?
Pero yung kiss? Ano yun? Trip lang?
Alam naman naming dalawa na hindi lang trip yun.
Pero ano ba ang dapat kong sabihin?
Kung sasabihin ko naman na boyfriend ko siya, edi mas lalong lagot diba?
Ano ba?
Tumingin ako ulit kay Kevin…
May lungkot sa mata niya.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko.
Gusto ko siyang lapitan.
YOU ARE READING
How To Write A Love Story
ChickLitBata pa lang ako, hindi na ako naniniwala sa “happily-ever-after”. Cynic na kung cynic but I’m just being realistic. Alam kong hindi siya totoo eh. Non-existent. Kathang-isip. Bakit ko pa ipagpipilitan sa sarili ko na totoo kung hindi naman, diba? B...