Chapter 1

968 12 12
                                    

“Van! Gising na! Malalate ka na naman niyan eh! Ano ba? Ilang beses ka ba kailangan katukin bago ka tumayo diyan sa higaan mo. Wag mong hintayin na Papa mo pa ang kumatok sayo! TAYO NA! First day ng pasok, babagal-bagal ka!”

That’s my mom.

Malakas talaga ang bibig niyan pero mahal na mahal ko yan.

You can say opposite kami ng Mama ko. Sobrang ingay niya kasi eh.

When I, on the other hand, prefer silence.

Hindi ako palakwentong tao. And if I am forced to speak out, I like misleading them with my words.

Hindi ko kasi gusto na maraming alam ang tao sa akin.

Simple lang kasi ang principle ko: “The more they know, the more they can hurt me.”

And yun yung last thing na gusto kong mangyari.

Hindi ako yung tipo ng tao na magpapakita ng kahit anong pain sa harapan ng isang tao. Not unless it’s needed.  Panong needed? Kapag yung tipong baka isipin ng tao na manhid ako, I’d try my best to be teary-eyed. Acting kung baga, pero half-truth… Half-lie nga lang din.

I’m pretty deceiving. Yeah.  I know that as much as you might realize.

Kung bakit ako nagkaganito, wala naman talagang major reason.

Parang katulad lang din ng mga normal na tao, it started in the family.

Kasi ganito yan. Bihira lang mag-away ang magulang ko. They are really almost perfect. Pero once na nag-away sila, you can never really tell what will happen next.

What I hated the most is kapag nagsusumbatan sila.

I always get tired of it.

Ang labo kasi eh.

Hindi ko maintindihan. Siguro kasi bata pa ako- bata as in, hindi kasing age or maybe it’s because I haven’t been in their position. Either way, hindi ko parin gusto kapag nag-aaway sila kasi kahit yung mga issue na siguro 30 years na ang nakakalipas, biglang lilitaw na lang na kala mo parang kabute. Tapos susunod na yung mga batuhan ng pinggan at kahit anong gamit na pwedeng ipangbato. Buti na nga lang, unbreakable yung binili ni Mama na gamit eh pero ewan ko ba.

Part siguro yun ng pag-ayaw ko na may makaalam ng istorya ng buhay ko. Kala mo naman, kung anong haba at anong ganda. Wala naman masyado kasi talagang thrill yung buhay ko.

Sakto lang. Plain lang. Sorbrang plain lang talaga.

 

“HOY VAN! Kapag ikaw, hindi pa tumayo dyan, Papa mo na talaga gigising sayo.”

At yan ang laging panakot sakin ni Mama. Palibhasa takot siya kay Papa, kaya ang akala niya ay takot rin ako kay Papa. Actually, nakakatakot naman talaga si Papa sa unang tingin. Kala mo nga, papatayin ka sa sindak eh. Pero sobrang bait ng Papa ko. Wala akong masasabi sa kanya maliban sa sobrang obsessed niyang magbasa ng dyaryo. Halos buong araw nalang kasi, pagkagising niya sa umaga hanggang sa pag-uwi ko, may hawak-hawak at binabasa siyang dyaryo. Kala mo hindi nauubusan ng balita eh.

Tahimik lang si Papa. Yun ang gusto ko sa kanya. Kaya nga kapag nag-aaway sila ni Mama, hindi sa biased ako ah, pero talagang laging nagsisimula si Mama. Mula sa mga simpleng rason katulad ng hindi siya nilalabas ni Papa para mag-date o kaya naman pambili ng grocery, lahat nalang yata ng rason basta tinopak si Mama, makikipag-away siya kay Papa. Itong si Papa naman, sasagot lang kapag sumusobra na si Mama tapos sa takot ni Mama, bigla na niyang babatuhin si Papa ng kung ano-anong pwedeng ipambato. May stash nga yata si Mama exclusive lang dun eh. Haha. Ang kulit nuh? Parang ewan lang. Hindi ko lang talaga gusto yung labasan ng baho kapag nag-aaway sila. Umaalingasaw kasi eh. Kala mo may patay na daga.

“Van… Anak?”

Ayan na si Papa.

“Papa. Magliligo lang po ako. Bababa na rin po ako pagkatapos.”

“Ganun ba? O sige. Dalian mo na para makakain ka kasi malalate ka na rin. Kumain ka muna bago ka umalis. Okay?”

“Sige po Papa. Ako na po bahala. Salamat.”

Pagkatapos maligo, dali-dali akong kumain at dinampot yung baon ko. Tapos nun ay patakbo akong lumabas ng bahay para maabutan ko yung bus. Hourly kasi kung dumaan yung bus dito sa lugar namin kaya naman pag-namiss mo na yung bus, isang oras ka maghihintay. Edi malamang sa malamang, sermon aabutin ko. First day pa naman ng classes.

“HOY YVANA! YUNG BAON MO!”

“Dito na po Ma! Thank you!”

Sabay sara ng pinto. Nakatingin parin ako sa bahay kaya patalikod akong naglalakad. I like doing that. It’s fun. Something like looking back to where you came from and the mystery of what lies ahead.

Iikot na sana ako nang biglang…

 

*creeeeekkkkkk*

 

 

 

 

 

 

 

How To Write A Love StoryOn viuen les histories. Descobreix ara