Chapter 12

274 5 7
                                    

“Anong lugar to Aaron?”

“Basta. Tingnan mo oh!”

“Mga students yun na papasok ah?”

“Yep. Ganda ng view dito kapag maaga ka. Marami kang makikitang iba’t ibang klase ng estudyante. Tingnan mo yung isang yun oh, malamang hindi nakakain yun. Hanggang dito sa school, may dala-dala eh. Ayun pang isa oh, napalakas ata hangin, hindi na niya masuklay buhok niya.”

“Loko. Ang bad mo.”

“Bakit? Hindi ba?”

“Thank you.”

“Hm? Saan?”

“Dito. For making me feel better.”

“Crush mo nga ako. Ako palang. Okay na.”

“Isa pa, kukutusan na kita.”

“Joke lang. Pero wala yun. Ikaw pa. Lakas ka sakin eh.”

“Weh? Di nga?”

“Di lang halata.”

“HAHAHAHA! Loko ka talaga.”

“Lika! Baba na tayo. Baka malate pa tayo eh.”

“Oo nga. Habit mo pa naman yun.”

“Napasa pa sakin.”

“Peace!” At naglakad kami sa hallway. We were happy. And suddenly…

HE WAS HOLDING MY HAND! Holding it. Intertwined.

 

Pagpasok sa klase.

 

“Nalingat lang ako ng konti, may pinalit ka na agad sakin.”

“Ang kapal mo Ram ah!”

“Bakit? Hindi ba? Nakaholding hands pa kayo. OUCH!” Sabay hawak sa dibdib niya.

“Masakit talaga?”

“Sobra. OUCH!”

“Sige. Tuluyan na natin.”

“Leche! Wala ka man lang kaamor-amor!”

“Eh sabi mo masakit eh. Para mawala na yung sakit.”

“Kayo ah!” Asar ni Tammy.

“Tamtam!”

“Wag mo nga akong tawaging Tamtam, Ram! Nakakairita eh.”

“Porke naglalambing lang.”

“Close tayo?”

“Barag si Ram! HAHA.”

Sabay hila sa buhok ko. Pikon talaga tong lalaking to!

“Aray ah!”

“Masakit?”

“Oo. Sobrang sakit! Kala mo. Hoy bumalik ka dito! Ramsay Ablaza!”

“Nye-nye-nye-nye-nye!”

“Aba’t!”

May pagiling-giling pang kasama yung pag nye-nye-nye niya ah. Ayos to ah! Hinabol ko si Ram hanggang sa maabutan ko siya.

“Huli ka!” Mali. Ako pala nahuli. Kainis! Porke malakas siya sakin ah.

“Tago!”

“Ano!?”

Sabay hila niya sakin sa closet room. Sobrang sikip sa closet room kaya wala kami masyadong space. Tinakpan niya yung bibig ko habang tinitingnan yung mga anino ng mga dumadaan sa labas. Ang lapit namin. Nakatingin ako sa kanya. Nakahawak siya sakin. Nakayakap. Nakadantay ako sa dibdib niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Puso nga ba niya?...

“Wooh!” Sabay tumingin siya sakin. And he smiled.

 

Nagkatitigan kami. And as in titigan. Hindi ko alam kung bakit pero  komportable akong kaharap siya. Na malapit siya. I feel protected. I feel safe. Ang lapit lapit na ng mukha namin sa isa’t isa. Sobrang lapit.

At yung puso ko…

Ano nga bang meron sa puso ko?

Bakit?... Ang bilis ng tibok niya?

How To Write A Love StoryWhere stories live. Discover now