Chapter 15 Playground

333 7 8
                                    

Ilang araw narin since nung nagkausap kami ulit ni Ram. Hindi ko parin maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit parang natutulala ako kapag lumalapit siya sakin. Hindi ko talaga maintindihan. Basta ang alam ko, hindi ako pwede magmahal. I can’t be attached. I don’t want to. I don’t want to get hurt.

Recess na at imbis na sumama ako kila Ram at Tammy, nagpasya akong pumunta nalang muna sa lumang school playground.

“J-Jade?”

Lumingon ako. Hindi ko inaasahan na nandito rin siya. Bihira lang ang mga estudyanteng pumupunta dito. Bakit ngayon pa?

“Aaron…” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sakin. Nararamdaman ko, parang gusto niyang umalis. At ako naman, hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko.

“Wala lang. Nag-iisip isip.” Napangiti siya. Ang ngiting yun. Matagal kong hindi nakita ang ngiting yun. And somehow, I felt relieved seeing it again. It made me feel better. A little better, at least.

“Naaalala mo pa ba?”

“Ang alin?”

“Dito tayo nagkita nun Van. Nung dinala kita sa secret hideout ko.” Napangiti ako. Oo nga pala. Dito nga pala niya ako nakita noon. Noong unang sinama niya ako sa taas ng building para pasayahin lang ako. Ngumiti ako. I don’t know if it was appropriate but… there was sadness in those smiles. It was a sad smile.

“Wag mong pilitin kung hindi mo kaya.” And I smiled again. That same smile.

“Kumusta ka na?”

“Ayos lang yata...” Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko after that until he said it…

“Van…”

“Hmmm?”

“Namiss kita.” Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. And unexpectedly, I had that same feeling again. That heartbeat, going fast. Sobrang bilis… Tulad ng….

“Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo ba ako namiss?”

And I smiled at him. I didn’t know what to say. I thought it was the most appropriate thing to do. I smiled at him and he smiled back and all of a sudden…

“Diyan ka lang ah…”

And he hugged me. He hugged me so tight. At nararamdaman ko yung bilis ng tibok ng puso niya. Parang tumigil yung mundo. Parang tumigil yung oras. Parang kaming dalawa lang. And suddenly, I found myself… hugging him back.

“Van…”

“Hmmm?”

How To Write A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon