Chapter 13 Of All People.

274 4 4
                                    

“Jade!?”

Laking gulat ko nang si Aaron ang nagbukas ng closet room. Sa lahat nga naman ng tao,bakit siya pa. Tinakpan ko nalang ang mukha ko sa hiya.

“Sorry pare. Nagtago kasi kami kay Principal. Baka mapagalitan kasi kami.”

“Ah. Ganun ba? Okay lang.” Hindi matigil sa paglipat ng tingin si Aaron from me and Ram. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung may dapat ba akong sabihin or what… Hindi ko talaga alam.

“A-Aa-Aaron… Ano kasi eh…”

“Don’t mention it. Wala naman yun.” Wala lang yun? Yung nakita niya kaming magkalapit ni Ram? Wala lang yun!? So ano yung paghawak niya sa kamay ko kanina sa hallway!? Wala lang din? Ano yun? Joke lang? Trip lang? Ano ba!?

“Mauuna na ako. Sige.”

“A-Aa-Aaron!”

“Wag mo na siyang habulin Van. Please.”

“Bitiwan mo ako, Ram. Please lang din.” Naluluha na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumakbo ako ng mabilis pero hindi ko na nakita pa si Aaron. Hindi ko na alam. Ayoko na bumalik sa classroom kasi ayoko rin naman makita si Ram. Gusto ko nalang umiyak. Sa nangyari kanina. Alam ko ang weird pero… Ewan ko ba. Hindi ko malimutan yung mukha ni Aaron nung nakita niya kami kanina. Gulat na gulat siya. Galit. Malungkot. I’ve never seen him that way. And today, I just did.

And all I wanted to do is run. Run as fast as I can. I don’t care where my feet would take me. I just want to run…

How To Write A Love StoryWhere stories live. Discover now