Chapter 24 Hoy Kevin!

271 5 6
                                    

*shreeeeeeeeekkkkkkkkk* (A/N: Hindi yan si Shrek ah! Yan lang yung tunog ng telang pinupunit para sakin. Wahahahaha.)

 

Pinaupo ko si Kevin at itinaas yung t-shirt niya.

“Oh? Anong plano mo?” Ayos din tong lalaking to ah. Ang bigat! Amp!

“Tatapalan natin yung nasaksak! Ano-ano iniisip mo!” Sabay kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko tapos pinatong ko yun sa tiyan niya.

“Hawakan mo yan!” Singhal ko sa kanya.

“Opo Mam.” Sabay ngiti naman ang gago. Amp!

 Inikot ko yung tela na pinunit ko sa t-shirt ko. Para nakatali sa paligid ng tiyan niya.

“Ayan. Sana kahit pano, matigil yung pagdugo.”

“HAHAHAHAHA.”

“Tinatawa mo diyan!? Nasaksak ka na nga. Tatawa-tawa ka pa.”

“Itsura mo kasi eh. Ang kulit!”

*PAK*

“Aray! Makabatok ka ah!”

Biglang lumaki yung mata niya.

“Oh? Bakit?”

Bigla niya akong hinila palapit sa kanya.

Ang lapit ah!

Sobrang lapit naman ata nito. Ganito ba siya mag-thank you?

Ramdam ko na yung hininga niya.

“Yuko.” Sabi niya. Sunod naman ako. Sabay biglang…

 

*Gasp*

 

“Bakit?” Tumingala ako para tingnan siya.

“Hoy? Bakit?” Yung mata niya, parang natatakot na hindi mo maintindihan…

“Hoy! Kevin! Bakit?”

“Okay ka lang?” Biglang tanong niya.

 

“O-Oo.” Bakit kaya?

 

“Bakeeeetttttt!?”

Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang mukha ko. Wait lang ah! Natutunaw ako. At saka, di pa ako ready. Ang lapit sobra ng mukha niya eh. Parang sasakmalin ako. Kung hahalikan man niya ako, sabihi--- Ah! Ano ba tong naiisip ko? Kelan pa ako naging manyak? Ano ba yan. Heartbroken ka pa Yvana. Sobrang durog at basag at pinong-pino na yung puso mo. Wag mo subukang magpaka-romantic na naman diyan. Masasaktan ka lang. Masasaktan ka lang ulet.

How To Write A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon