Page 36

305K 11.4K 5K
                                    

"Hanggang Kailan"
By: AlphabetSenpai

Ngingiti para ipakitang masaya,
Kahit may luha sa mga mata.
Sasambitin ang katagang "okay lang",
Kahit sobrang nasasaktan.
Kilalang matapang,
Kahit maraming kinakatakutan.
Mananatiling matatag,
Kahit puso'y nababasag.

Nakikiuso sa mga kakilala,
Nang 'di maging outcast sa kanila.
Magaling makisama sa kahit sinong kaibigan,
Nang walang maipintas ang sambayanan.
Role model sa kilos at salita kung titingnan at papakinggan,
Nang maging katanggap-tanggap sa lipunan.

Subalit...
Masaya nga ba?
Okay lang ba talaga?
Matapang?
Matatag?
Weah? Talaga ba?

Hanggang kailan katatakutan na maging outcast?
Hanggang kailan iisipin ang maaaring maipintas?
Hanggang kailan papanindigan ang role model sa kilos at salita?
Bakit? Alam ba talaga ng madla?
Ang mga flaws at kahinaan,
Nang walang pagkukunwari at pagpapanggap lang?

H'wag mag-alala. H'wag matakot at mangamba.
Dahil kahit ano'ng gawin at sabihin,
Butas, dumi at mali pa rin ang unang napapansin.

Spread your wings, iwagayway... soar high!
Tumayo sa sariling mga paa, maglakad... maglakbay!
Tanggalin ang nakatakip na maskara... ibasura,
Kahit na ito ang nakakatago ng sugat, sakit at... inggit.

Dahil walang katumbas na kasiyahan
'Pag naipakita at naipagsigawan ang tunay na nararamdaman.
Napangalanan at nabigyang kuhay... ang totoong buhay.
Mo. Niya. Ako. Ng totoong tayo... dito sa mapanghusgang mundo.

Kaya ano na, Aking Kaibigan? Hanggang kailan?

~.~.~

DD,

Hi, Mylabs!

Three years ulit ang mabilis na lumipas.

September 15, 2017 na.

Kaka-23 ko lang nung 11.

Gosh! I feel so old now. Ang gurang ko na.

Parang kelan lang nung kinukulit ko pa ang tutor kong si Ate Princess kung ano ang notebook na sinusulatan niya. Tapos... ngayon. Hala! Ang bilis ng panahon.

September 11, 2001 ang una kong sulat sa 'yo na walang kakwenta-kwenta. Hahahaha. Tapos 2017 na.

OMG! 16 years na kitang kapiling.

Happy 16th anniversary, Mylabs!

Buti pa tayo may anniversary!

Anyway, I'm sorry kung maraming ganap sa buhay ko... kaya napapadalang ang pagsusulat ko sa 'yo.

Busy kasi sa College. Maraming projects. Tapos tatlo pa ang thesis namin. Isang main na hardware, at dalawang software related apps.

Saka nung nag-OJT ako. 500 hours din 'yon. Dalawang sakay pa palagi. At dadaan sa EDSA.

Kailangan ko rin maging working student para makatulong kay mama sa tuition.

Hindi ko rin maiwan ang Wattpad. Nagsusulat pa rin ako dun. Nasisingit kahit sobrang busy sa buhay.

'Yang tula pala sa taas... isinulat ko para sa kaibigan kong bakla. Hahaha. Hirap na hirap kasi siyang ilabas ang tunay niyang kulay, ang alindog, ang kadiyosahan. Kaya inalalayan ko siya ng tula.

Hmm... siguro two years ago na. Sinulat ko lang for memories.

Ngayon? Mas diyosa na siya sa 'kin! Ang sarap pitikin nung nakalawit sa gitna ng singit. Hahahaha

Love at First Read (Pereseo Series #1)Where stories live. Discover now