Pages 21 and 22

393K 19.1K 6.8K
                                    

_..._..._

Page 21

Mylabs,

Malungkot ako ngayon. Umiiyak. Parang binabasag ang puso. Sobrang sakit. 'Yung isa sa mga paborito kong tao sa mundo, kinuha na ni Lord.

'Yung pinakagwapo kong lolo. Si Lolo Matikas na sobrang mahal ko at mahal na mahal ako.

Hindi ko man naisulat lahat sa 'yo ang mga memories namin na magkasama pero lahat 'yon... tandang-tanda ko pa. 'Di ko makakalimutan hanggang sa aking pagtanda. Dadalhin hanggang sa magkapamilya ako ang mga k'wento at mga advice niyang pang-old school.

Sabi niya, naabutan pa niya 'yong sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Pero bata pa siya nun.

Nung elementary ako, palagi akong sumasama sa kanya para maglinis sa likod ng bahay nila. Tinutulungan ko rin siyang magsibak ng kahoy (kasi bida-bida ako), hanggang sa mataga ko ang binti ko, ibaba ng tuhod. Umiyak ako nun, sobrang lakas. Kasi nakikita ko 'yong puti ng buto ko.

Akala ko, mapipilay ako. Pero ginamot ako ni lolo. (Gamit 'yong dahon ng bayabas na nginuya-nguya niya at dinikit sa sugat.)

'Yong palagi niya akong hinahalikan sa noo kapag nananalo siya sa tong-its. Sabi sa 'yo, eh. Lucky charm ako ni lolo.

'Yong sumasama ako kapag namamana siya at namimingwit ng mga isda sa ilog. Hindi pa ako marunong lumangoy nun.

Ngayon, kayang-kaya ko na kahit walang saging para gawing salbabida.

Sa kanya ako natuto mamingwit. Naghuhukay kami ng mga earthworms para gawing pain at isabit sa hook ng pamingwit. Tanda ko, nagtatalon ako nun nung may nahuli akong isda.

'Yong nagtataya siya sa sabongan at full support ako sa kanya.

'Yong dahil sa kanya natuto akong magsolitaryo. Tapos nakikipaglaro pa ako ng sungka sa kanya kasama si lola.

'Yong nanunuod siya palagi ng porn.

Echos! Wala namang cellphone si lolo. Pinapasaya ko lang sarili ko.

Alam ko kasi na sa magandang kalagayan ngayon si lolo. Nasa paraiso. 'Di na siya mahihirapan. Kasama niya si Jesus.

Saksi ako nung hindi na niya kayang maglakad. Kaya nakahiga na lang siya sa kama. Ni kahit ang pagsubo... nahihirapan siya. Kaya tinutulungan ko si lola sa pagluto ng pagkain niya kahit matanda na rin si lola. (Taga-tikim ako.)

Saksi ako nung araw na malagutan siya ng hininga. Gusto ko sa huling araw niya, nandoon ako sa tabi niya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na parang binagsakan ako ng langit. December 2, 2006. Iniwan kami ni lolo.

PS: Romans 14:8 (NIV)
If we live, we live for the Lord; and if we die, we die for the Lord. So, whether we live or die, we belong to the Lord.

John 11:25 (NIV)
Jesus said to her, "I am the resurrection and the life. The one who believes in me will live, even though they die;

Iniiwan pero hindi nang-iiwan,
ABCD

*.*.*

Page 22

DD,

Hindi ako makapaniwala. Sobrang natakot ako. Nakakapanghina. Nakakatrauma. Nakakasira ng tiwala.

Hanggang ngayon, nanginginig buong katawan ko't namumula ang leeg ko. Kinikilabutan ako. Hindi rin mahinto ang pag-agos ng luha ko.

Muntik na akong ma-rape!

Love at First Read (Pereseo Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora