Kudos #04

404K 15.6K 10.2K
                                    

< Kudos Pereseo >

MABILIS NA lumipas ang tatlong linggo matapos kong makita ang green card na maingat na nakadikit sa back cover ng diary.

'Yon din ang gabi ng una at huling pag-uusap namin ni AB.

Sa loob ng tatlong linggo, medyo marami ring nangyari sa paligid ko. Okay na si Risk mula sa pagkakabugbog. Nagmamayabang na naman ang tukmol dahil wala nang nangingitim na pasa sa mukha at katawan niya.

Ipagulpi ko kaya nang tumino ulit?

Tapos na ang school year last week. May two weeks kaming vacation bago ang enrollment for Summer classes.

Kaya ngayon, nagyaya si Kuya Yuen na magbakasyon kaming magpipinsan. Syempre, mga Pereseo na nakatira sa Antipolo. May kilala si Kuya Yuen na nagmamay-ari ng isang beach resort sa Batangas. Mura lang ang parenta sa kanya. Magstay kami ng 3 days and 2 nights.

Sasakay na ulit kasi si kuya ng barko sa April. March na ngayon at magsisimula na ang summer classes kaya ngayon lang kami free lahat. Kasama rin sina Ate Kira, bossing at master. Tapos sina Paris at Hazel. Mga taga-Antipolo rin kasi at isinama naman ni kuya. Saka 'yong mga tukmol. Medyo marami pa. Bahala si kuya, sagot naman niya.

At usapang Kuya Yuen, nabadtrip ako nung isang araw. Paano... siya pala ang naglalagay ng mga bawas na condoms sa kwarto ko sa Antipolo. Loko talaga! Akala ko nung una pinagtitripan ulit ako ni Risk. Akala niya naman maniniwala sina bossing at master na ako gumagamit ng mga 'yon?

Baka ibang tao pa... huhusgahan agad ako dahil lang may bawas na condoms sa drawer ko.

Pero sina bossing at master? Baka nga matuwa pa sila dahil sa kaweirduhan nila sa buhay.

O baka 'yon nga ang purpose ni kuya.

Nalaman ko rin kay master na Bicol ang probinsiya niya. 'Yung mga Seriozo. At hindi naman 'yon ang province ni AB. So, malamang 'di ko kamag-anak 'yong sinasabi niyang Levi.

Alam ko na ang province ni AB... Romblon.

Nabasa ko na ang lahat ng nakasulat sa diary niya. Tinapos ko last last week pa. Hindi ako mapakali hangga't 'di ko nababasa lahat kaya pinagpuyatan ko na.

Punong-puno na rin ang garapon doon sa drawer sa apartment ng mga notes... na hindi ko alam kung magagawa ko pa bang iabot ng personal sa kanya.

Habang binabasa ko lahat ng nakasulat, naiinis ako. Sa sarili. Ang pathetic sa pakiramdam. Nangingiti. Tumatawa. Nababadtrip. Nagagalit. Nalulungkot. Higit sa lahat... nagseselos.

Na sobrang nakakapikon kasi wala naman akong magawa.

Bakit ko mararamdaman ang mga bagay na 'yon eh hindi ko pa naman siya nakikita? And worst, she doesn't even know me.

Yes, I talked to her. Once. Pero aksidente. Nakakatawang aksidente.

Ni hindi na nga siya nagreply sa text ko sa kanya na... "Okay lang", eh.

Ilang beses ko rin siyang tinawagan kaso 'di niya sinasagot. Ring lang nang ring hanggang sa maputol.

Araw-araw ko rin siyang tinitext, walang palya. "Good morning", "Don't skip your lunch", "How's your day?", "Good evening", and "Goodnight" messages. Parang naka-template na ang mga 'yan sa phone ko na automatic ko lang na isesend sa kanya.

Pero kahit isang reply na 'smiley', wala akong natanggap.

Did I annoy or creep her out? O sadyang naaalibadbaran siya sa 'kin?

Sinunod ko lang naman ang payo ni Risk nung nag-usap kami nung nakaraan. Sabi niya, kung talagang gusto ko na... 'wag akong magpakatorpe.

Walang mapapala ang mga torpe. Nauunahan lang palagi.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Where stories live. Discover now