Page 34

364K 15K 9.6K
                                    

DD,

Today is September 19, 2011.

Katatapos lang ng 17th birthday ko.

Pasensiya kung ngayon ko lang ulit naisipan magkwento. Kung kelan feeling ko ang loner ko.

Bago ko simulan, i-share ko lang sa 'yo ang mga bumabagabag sa 'kin ngayon.

L O V E.

Pag-ibig na naman.

Tanggapin man natin o hindi, pag-ibig ang pinakamaimpluwensiyang pakiramdam sa daigdig.

Love can complicate everything.

Love can make a family happy or make it broken.

Love can change a person into something virtuous or vicious.

Love can alter our beliefs in life.

Love can make us do things we never consider we can do in the beginning.

Love can be our angel that accompanies us to a utopia feeling or our demon that traps us to depression.

Love.

Love is meaningful.

Love doesn't have an exact description.

Love can't be learned from a class discussion.

Love doesn't have a syllabus that can guide us.

Love isn't a game that has mechanics on how to play.

Love isn't a subject but why there's always a test?

Love isn't a game but why there are players and cheaters?

Love is pag-ibig.

At ang pag-ibig ang batas ng daigdig.

Ang pag-ibig ang bumubuo sa isang tao. Pag-ibig din ang nagwawasak sa 'ting puso.

Ang gulo. Ang gulo-gulo ng pag-ibig. Siguro... pinaglihi ang pag-ibig sa abstract painting kaya mahirap intindihin. O kaya sa Wikipedia kaya maraming meanings. O baka sa Math kaya sangkatutak ang problems.

P'wede rin na ang pag-ibig... isang contagious disease. Kumakalat. May kakayahang apektuhan ang buong sistema natin. Puso na bumibilis ang tibok. Utak na nagkaka-insomnia. Matang kumikinang. Labing nangingiti. Dilang namumulaklak ng mga nag-aalab na pangako. Tiyan na nag-aalaga ng mga paru-paro.

Tama, baka nga sakit ang pag-ibig... kaso venomous. Toxic. May kakayahang manglason ng sistema. Puso na nawawasak. Utak na nadedepress. Matang lumuluha. Labing nalulungkot. Dilang nagsisinungaling para maitago ang sakit. Tiyang nagugutom dahil 'di makakain.

But... love can also be a medicine or antidote. Love can cure a broken heart. Love can inspire. Right?

Ugggh! Ayoko na. Ayoko nang mag-isip. Pero ang pag-ibig na 'yan, kahit kailan hindi yata ako magagawang tantanan. Maliban na lang siguro kung nakahiga na ako sa ilalim ng lupa o naging isang living statue that doesn't have any emotions.

'Yan ang mga bumabagabag sa utak ko ngayon, Mylabs. Kasi...

In love na naman ako.

I'm in love with Cole but he doesn't know my feelings for him.

'Yung gustong-gusto kong ipaalam kaso natatakot ako.

Ito na naman kasi tayo, e. Ayoko na. Ayoko natalaga!

But what's wrong with me?

Nagpalit ako ng SIM para lang putulin ang communication namin ni Ellis. (Nang walang pasabi.) Kasi kailangan ko naman na talaga siyang iwasan,e. Matagal na dapat!

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon