Pages 12 and 13

458K 19.5K 9.3K
                                    

..._..._...


~ Page 12 ~

Dear Diary,

Katatapos lang namin magputukan. Ang saya!

Pero sa labas kami nagpaputok. Bawal daw kasi sa loob. Delikado.

'Yon ang sabi nung mga matatandang palaging tumatambay sa harap ng tindahan namin. Pero nanuod lang naman ako. Takot kaya akong maputulan ng kamay.

Katatapos lang kasi ng bagong taon, eh. Naamoy ko pa 'yong mga nakakaubong usok. Mas maingay pala ang bagong taon dito kaysa doon sa lumang bahay namin. May mga naghihila ng kaldero na nakatali sa motor nila.

Ilang beses din kaming tumalon-talon nina Ate Shane. Bakit ba nila kami pinapatalon? Pampalaki ba ng boobs 'yon?

Marami ring nakasuot ng polcadots. Every new year sila nagsusuot ng mga puro bilog sa damit. 'Di naman sila yumayaman. Kalokohan.

Hindi na naman umuwi si papa. Pero ayos lang. Kahit nakakalungkot. Sanay na rin naman kami. Kahit nung Pasko wala rin siya, eh. Nagpadala lang siya ng pera panghanda.

Oo nga pala, may bago akong kaibigan. Si Rury Anjosa!

Nagkakilala kami kasi magkalapit ang upuan namin sa klase. Nasa unahan ko siya. Ang tahimik niya ng araw na 'yon, tapos biglang nangamoy. Lahat kami napatitig sa direksiyon niya. Tapos umiyak siya. 'Yon pala tumae siya. May LBM pala siya ng araw na 'yon. Pero sobrang bait po niya. At ang diyosa!

Diary, iiwan na ulit kita. Tinatawag na ako nung mga kalaro ko. Maglalaro pa kami ng baril-barilan. Tatakas nga lang kami nina Dale at Owen kasi ayaw akong payagan ni mama. Bakit daw sa mga lalaki ako nakikipaglaro?

Eh, sa ayoko nung mga nilalaro nina Ate Shane at mga pinsan kong babae, eh. Barbie? Hindi ako mahilig sa manika. Ang boring laruin. Gusto ko 'yong nagkakasa ng baril, nagtatago sa likod ng puno, naghahabulan at titirahin ang kalaban. Sobrang saya! Putukan.

Saka magbabike rin kami mamaya. Marunong na ako magbike. 'Di na ako tumatumbling. Yey!


PS: Nung nagbaril-barilan kami, nagtago ako sa may kubo, pinasok ko ang ulo sa butas ng bintana. Habang nagpapaputok. Kaso nung paalis na ako, hindi ko matanggal ulo ko. Umiyak ako nun kasi pinalo ako ni mama. Sinira kasi 'yong bintana para lang maligtas buhay ko.

Bawal palang ipasok ang ulo sa butas? Mabuti hindi ako naputukan (ng baril). Kung nagkataon, na-double dead ako. 'Yon ang totoong delikado!

Batang hindi pasaway po,
Angelica Bianca C. de Makapili


... ... ...

AlphabetSenpai's R-23 (Realization at 23)

At 23, I've realized that...

My life wasn't close to perfection, but my childhood memories and experiences made me fearless enough to face the obstacles and battles in this world full of imperfections.

..._..._...

~ Page 13 ~

Dear Diary,

Today is May 21, 2004.

Katatapos lang ng election. Nare-elect si Pres. Gloria Macapagal Arroyo. Ang ikalawang babaeng president ng Pilipinas o panglabing-apat na president. Natalo ang pambato nina mama na si Fernando Poe Jr. Sayang! Idol ko pa naman din si FPJ.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon