Page 29

359K 15.1K 9.2K
                                    

< Kudos Pereseo >

I GRIPPED the door knob of the comfort room firmly. May kung ano'ng bumabara sa 'king lalamunan nang lumunok.

I tried to hush my nerves as I let out a deep breath.

Nakng, Kudos! Kumalma ka.

As I opened the door, my eyes were on the floor. Inangat ko ang ulo para samaan ng tingin ang mga nagtatawanang tukmol nang may impit na tumili. May sumugod sa 'kin. Saka ibinato ang dalawang braso. Lumambitin sa 'king leeg.

"Baby Kudos!" That someone shrieked while smooching my chest. Inamoy-amoy. Nanigas ako nang kumagat siya sa gilid ng leeg ko. Gumapang ang isang kamay sa ilalim ng puti kong damit at kumurot sa naninigas kong sikmura dahil sa pagkagulat. "Holy abs! Ang firm. Nakaka-tempt tumikim!"

Nakng... Sino 'tong baklang 'to?

"Angelito!" malakas na sigaw ni Magnet. Dahilan para mapabalikwas ng bangon si Risk. Naalimpungatan.

Tinulak ko ang lalaking dumamba sa 'kin... or bading. Hinawakan siya nina Steel at Shield sa magkabilaang balikat, hinila palayo sa 'kin. Sina Philemon at Psalm... halos mamatay sa kakatawa.

Naglakbay ang tingin ko sa buong kwarto, pero walo lang kami dito... wala ng ibang tao.

Nakng! Nauto na naman ako.

"I told you na call me Angel, MM. Goddess Angel..." nakangusong sabi nung bakla. Saka ibinalik ang tingin sa 'kin at kumurap-kurap. Parang isang obra maestra ang mukha dahil maraming coloring at shades.

Napamasahe ako sa batok. Sumakit yata bigla ang ulo ko. May natira pang pulang lipstick sa t-shirt ko.

"Don't get carried away, Baks! Isinama kita rito hindi para halayin si Kudos." I looked at Magnet. She sneered. "Don't look at me like you're going to kill me, Dude."

Sighing, I shook my head. I don't have time for their absurdity.

Kaso naharang ako ni Steel bago pa ako makalabas ng silid. "Hindi ka pa puwedeng lumabas, boy. Sabi ni Pards." Seryoso ang mukha, pero may nakatagong ngisi.

Tiningnan ko si Steel. Pero hindi man lang natinag ang tukmol. Tokwa! Ano ba'ng laban ko kapag si Magnet na? Of course, he'd oblige... in a blink.

I'm wondering why they're not in a relationship. They're always beside each other.

I settled myself on the floor. Sumandal sa kama. Humalukipkip. Si Risk humihikab. Pero nagising yata ang diwa nang lumapit sa kanya si Angelito at yumakap. Pero tumalsik ito nang lumipad ang kamao ni Risk sa panga nito.

Ngumawa ang tokwa na agad tinulungan ng kambal na kanina pa tumatawa. "Halayin mo na lahat kami dito, 'wag lang si Risk, Angelito," sabi ni Psalm. "Allergic 'yan sa mga bekimon," dugtong ni Philemon.

Nagsiupo na rin sila sa sahig. Nakikimatyag lang ako. Pero kanina pa ako nangingitngit.

Minsan talaga hindi ko masasabi kung kelan seryoso 'tong mga tukmol o kung kelan mang-gogood time, eh.

"Simulan mo na, Pards..." sabi ni Steel na hindi na yata matatanggal ang ngiti habang nandito si Magnet. Ang OA ng kinang ng mga mata. Tokwa!

"You're not gonna ask me why AB isn't here with us, Kudos?" tanong ni Magnet.

Nagkibit-balikat ako. Obvious. Maybe, she's busy. Or she doesn't want to come. Maraming p'wedeng dahilan.

Madidisappoint lang ako 'pag nagtanong ako.

"Diretsuhin mo na, MM," ani Shield na sumampa sa kama at dumapa. "Ganyan 'yan, mahilig magtago ng emosyon kahit madali namang basahin."

"Kahit na deep inside, kating-kati ang puwet na malaman ang dahilan," si Psalm.

Love at First Read (Pereseo Series #1)Where stories live. Discover now