Page 27

394K 15.9K 8.4K
                                    

DD,

Mylabs, today is December 25, 2008!

Merry Christmas!

I missed you.

Mahigit six months na nung huling nagsulat ako sa 'yo. Tag al na 'no?

Maraming nangyari. Tinatamad lang talaga akong magsulat, lately.

Masyado kasi akong masaya sa buhay ko kaya hindi na kita madalas naaalala.

Tinamaan lang ako nung may narinig akong nagsabi na... "Ganyan kayo, eh. Saka n'yo lang ako naaalala 'pag may problema kayo at kailangan n'yo ako."

Nakakakonsensiya tuloy.

Masaya ako ngayon, Mylabs. Sobrang saya ko to the point na natatakot ako.

Sabi rin kasi nila, "Kapag masaya ka, mamaya magiging malungkot ka."

Sana hindi 'yon totoo.

Third year na ako. Ang mga kaibigan ko may mga jowa na. Tapos ako... dakilang chaperone pa rin nila. Bakit? Kasi kapag kasama nila ako, wala silang nagagawang milagro. Paano kasi minsan... umalis lang, pagbalik nila namumula ang mga labi.

Hindi na ako inosente. Kaya alam kong hindi lipstick. Nagtukaan sila. Nagkagatan ng lips. Minsan, may mga namumuong pula sa leeg. Jusko po! Rated SPG! Porn alert!

Si Tintin, may boyfriend na rin. Kumekerengkeng sa criminology student sa ibang school. Nakakaloka! Iniiwan nila ako sa ere. Lahat sila may mga nakakalandian na, eh.

Kaya palagi nila akong pi-nu-push kay Toni. Sa katutulak nga nila, parang gusto ko na lang matisod at magpadapa kasi alam ko namang may sasalo. Ay hala siya! Ang haliparot.

Speaking of Toni... Gosh! Aaminin ko na, gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya. Pero ayokong pumasok sa isang relasyon kahit na mahal namin ang isa't isa.

Siguro, Mylabs... kung tao ka, kanina mo pa ako nabatukan kasi ang corny ko.

Pero may mga tao talagang darating sa buhay mo na feeling mo wala ka nang hihilingin pang iba... siya lang. At 'yon ang nararamdaman ko. Ayoko sa iba. Ang gusto ko siya.

His hair. His eyes. His nose. His jaw. His lips. His smile. His complexion. The built of his body. The roughness of his hands. The size of his feet. I know, he's not perfect. But he's all that I want. Maybe I sound selfish right now, but I don't know what to do if he'll love someone else aside from me.

'Yong lahat ng effort niya na ginagawa sa akin, malulungkot ako kapag nakita kong gagawin niya rin sa ibang babae. 'Yong wagas niyang pagmamahal na pakiramdam ko... ako lang ang nag-iisang babae sa mundo, iiyakan ko 'yon kapag biglang naglaho.

Lahat sa kanya, nakasanayan ko na. Kapag biglang nawala, ikababasag ko. Mawawasak ako.

I'm happy right now, but at the same time... I'm scared.

Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako na mas mahalin ko pa siya nang higit pa sa nararamdaman ko ngayon... to the point na masakal ko siya ng pagmamahal ko.

Natatakot ako kasi kilalang-kilala ko ang sarili ko higit pa sa pagkakakilala ng ibang tao. At nakikita ko ang sarili kong sa mga susunod na araw, mas mahal ko na siya. Sa mga susunod pa... mahal na mahal na mahal ko na siya.

Tama nga sila, Mylabs. Nakakatakot magmahal.

Kaya nga humihinga muna ako ngayon, e. I need a breather. Hindi muna ako nagpapakita kay Toni kasi bakasyon naman. Siguro next year na lang. Sa pasukan.

Pero ka-text ko pa rin siya. Kinakaya ko nga lang na hindi magpakita. Pero ang hindi siya i-text sa loob ng isang araw... hindi ko kaya. Hindi ko siya matiis. Nakakainis!

Love at First Read (Pereseo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon