Ch13. Grocery

31 2 0
                                    

- ANDREI "REY" -

"Akala ko ba sabay tayong uuwi? Siguro may ka-date ka no?"

Lokong Kyo to, hindi man lang nagkukwento. Saka isa pa, nakauwi na si Chris kaya wala na akong kasabay. Kainis.

"Pwede ba! Ang dumi ng utak mo! May kailangan akong asikasuhin. Tsaka ikaw nakatoka sa grocery kaya bilisan mo na."

"Tingnan mo to... Ganun na lang yun?"

Matapos manermon, biglang alis? Hay naku...

〰〰〰➰⚪➰〰〰〰

"Ano ba yan? Napakahaba namang listahan nito?! May balak ba syang bilhin itong buong supermarket? Aish!"

Tulak-tulak ang push cart ay hinanap ko na ang mga gamit na kailangan kong bilhin. May pagkain, toiletries, supplements at kung anu-ano pa. Maisipan talaga ni Kyo... Tsk tsk tsk.

"O! Rey, ikaw ba yan?"

May tumawag ba sakin?

Lumingon-lingon ako at doon ko nakita yung isa sa mga kaibigan ni Double D, yung laging may sukbit ng camera. Ano nga bang name nya?

"Nag-gogrocery ka?," nakangiting tanong nya.

"I think so?," sagot ko sa kanya.

"Mag-isa ka lang?," tanong nya ulit habang tulak-tulak ang sarili nyang cart. Di tulad ng akin, ang dami nang laman ng sa kanya. Mukhang patapos na sya, hay... Buti pa sya, samantalang ako halos di pa nangangalahati.

"Oo eh." Balak ko na sanang itulak na ulit yung push cart pero hinarangan nya lang ito ng binti nya. Oo na, alam kong long-legged ka.

"Nani?"

"Thanks," sabi nya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"It's a Hawaiian name which means beautiful. Though it's usually used for girls, I'm still thankful," aniya at ginusot pa ang buhok ko bago ako nilagpasan.

What a word? Eh ni hindi nga yun ang ibig kong sabihin.  

[Nani (Japanese) - (informal) what?]

Maya-maya lang, nawala na sya sa paningin ko. Buti na lang para matapos ko na tong grocery na to.

〰〰〰➰⚪➰〰〰〰

Nasaan ba kasi yung mga spread na yun?

"Hi, you're doing fine?"

Napalingon ako at nasa harap ko na naman sya, si-uh... Kailangan ko talagang iwork-out ang name memorization skills ko. Haist.

"Here," sabi nya sabay display ng cart na tulak nya sa harap ko.

"...?," Ha?

"Ahahaha, I'm sorry for not telling you. Ito na yung iba pang mga kailangan mo. Yung nasa lower portion ng list mo. Remember? Tiningnan ko yun kanina. My cart was already at the baggage counter. I hope it helped," sabi nya ng nakangiti.

 I hope it helped," sabi nya ng nakangiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now