Ch10. General Cleaning - EDITED

27 2 0
                                    

- ANDREI "REY" -

"Teka teka! Tulak pa natin! 1 2 3 push! Isa pa! 1 2 3 push!"

"My goodness! Hindi ba talaga tayo pwedeng magpatulong? Ang bigat kaya nitong kama!" Hindi ko maiwasang makonsensya nang makita ko kung gaano ka-drained ang bestfriend ko.

Tama nga siguro si Chris kaso kanino?

"Alam mo best friend may punto ka diyan eh kaso wala naman na tayong ibang friends," paliwanag ko kay Chris habang nakaakbay sa kanya, "saka isa pa, wala rin akong pangbayad pang-hire ng mga moving services at kung sakaling meron man akong pera, bawal naman ang mga boys dito-well, except kay Kyo kaya please best friend, pagbigyan mo na muna ako. Pretty please? And don't worry, patapos na naman tayo eh," todo ngiting pangungumbimse ko kay Chris.

"Wow ha? Sa mga ganitong bagay, best friend mo ako? Please remind me na may utang ka sakin dahil dito."

"Aye aye!" saludo ko kay Chris.

Patapos na kami sa paglilinis. Iniaayos na lang namin yung pagkakasalansan ng mga gamit. Inilibot ko ang paningin ko at mukhang kakailanganin naming palitan ang wallpapers.

"Ano kayang magandang kulay? Mint green? O yung lighter ng unti?"

"Ng alin?"

"Parang feel kong palitan nang wallpapers?"

"Naku sinasabi ko sa iyo Andrei, di na ako kasali diyan."

"Sigurado ka? Kaya mo akong tiisin? Kahit na regaluhan pa kita ng signed book ni Danielle Steel?"

"Anong ibig mog sabihin? Ako Rey, huwag mong pinaglololoko ha?"

Isang mapaglarong ngiti ang ainukli ko sa kanya sabay kuha ng isang paper bag na nakatago sa loob ng cabinet.

"Ako? Nagloloko? Siguro sa iba ko na lang ibibigay ang mga ito?" Pasimple ko pang binuksan ang paper bag habang papalapit kay Chris pero singbilis ng kidlat ang mga kamay ng bestfriend pagdating sa favorite author niya.

"My goodness Andrei! My gosh! Paano mo nakuha ang mga ito?!" Isa-isa niyang nilabas ang mga libro at maingat itong inihilera sa harapan namin habang mangiyak-ngiyak na binubuklat ang bawat first page nito. "My gosh, Rey! Thank you so much!" Patakbo niya akong niyakap at saka pa ako hinalik-halikan sa pisngi.

"Yuck ka Chris! Ang lalagkit at sobrang pawisan pa natin," natatawa kong saway sa kanya.

"The books itself palang ay sobrang appreciated ko na Rey pero signed? Just what have you done? Saan mo nakuha ang mga ito?" tanong ni Chris habang nakayakap pa rin sa akin.

"Well. One word. Connections," taas noo kong pagmamalaki sa kanya.

"Pero seryoso, paano nga?" excited niyang tanong sa akin.

"Aya, it just happened na may kakilala siyang nagwowork sa publishing house kung saan nakakontrata ang recent books ni Danielle Steel kaya yun pinakisuyo ko sa kanya. Ang tagal na kaya sa akin ng mga books na iyan. Nahanap lang ako ng tyempo kung kailan ibibigay sa iyo. Lastly, mag-thanknyou ka rin kay Kyo dahil siya ang nagsabi sa akin ng tungkol sa connection ni Aya sa publishing house na yun," napapangiti kong paliwanag sa kanya. Syempre, di tamang angkinin ko lahat ng credits kaya dapat lang alam ni Chris ang totoo.

"Sobrang sweet niyo talaga *huk*." Laking gulat ko nang makita kong umiyak si Chris pero sa halip na maiyak ay natawa na lang ako sa kanya. Niyakap ko na lang si Chris at tinapik-tapik siya sa balikat. "Nakakainis ka naman eh. Lalo mo lang akong pinapaiyak niyan eh," saway niya sa akin at natawa na rin sa huli.

Sobrang appreciated ko talaga si Chris dahil lagi siyang naglalaan ng time para samahan ako sa mga kalokohan ko... at sa misyon ko para sungkitin ang puso ni Jero, char.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now