Ch3. Detention - EDITED

44 2 0
                                    

- ANREI "REY" -

"Dali na naman Kyo! Para namang di kita bestfriend nan eh!"

"Sino bang nagsabing bestfriend kita?" Tingnan mo tong si Kyo, parang others!

"Ah basta! Tsaka di ka ba natatakot?" Kumagat ka, come on mamon!

"Huh?" Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Balita ko... si Carl na lang lagi ang kasama mo... hindi ka ba natatakot na baka dahil dyan, mapagkamalan ka nilang QUASI" This is one of the dumbest excuses I have ever said pero sana kumagat ka. Cross fingers.

"Quasi?" Mukhang wala itong kaide-ideya sa mga pinagsasasabi ko but I will push my luck, Whammy.

"Quasi. As in semi, not straight, sirena, bak-"

"Ok I get it. But it's still a no," walang alinlangang sagot ni Kyo sa akin habang nakangiti nang mapang-asar at saka ako inirapan. Tingnan mo itong mokong na to!

"PERO-!"

"And try to think of it. Hindi ba't mas lalo akong mapagkakamalan kung gagawin ko yang gusto mo?" Kyo, wala kang puso!

"H-hindi no! At-at-l-least di ka na loner!" pagdadahilan ko.

"Di ako loner."

"Uh-huh. Parang di kita kilala... kaya... sige na naman please?" mula sa sarcasm ay medyo jolly kong sabi sa kanya.

"You know..." napapailing na sabi nya matapos akong pagtaasan ng kilay at huminga nang malalim.

"Hay, okay..." Buntong-hininga akong yumuko at after 3 counts, tumunghay na ulit ako.

"Ah! Sige ha! Una na pala ako! May early meeting kami ngayon eh!" masigla na ulit na saad ko at tinalikuran ko na siya mga beshie... hehehe... 3... 2... 1...-

"K. Fine. I'll do it," pagsuko ni Kyo kaya naman lihim akong napangisi.

Ahahaha! I know, right!

Fact about me: I am such a good actress (well, self-proclaimed lang) dahil consistent theater club member lang naman ako nung elementary at high school years ko. Tinaas-baba ko ang aking kilay habang nakatalikod sa kanya at kunwaring nanlulumo.

"O ano?" tanong ko sa kanya. Paano ba naman naka-glare ang lolo niyo sa akin.

"Just so you know, di ito libre," sabi lang niya sabay lakad ulit.

Yun yon eh!

Fact about Kyo: Kapag ayan na ang sinabi niya, alam na! Isa lang naman ang hanap nan eh-dalawa pala! HOME-MADE TAKOYAKI plus ONIGIRI. Favorite niya yun eh. For sure miss na miss niya na ang pagkain nun.

Nasabi ko na ba na half Japanese ang bestfriend ko? Pangalan pa lang Japanese na, di ba? Japanese ang papa nya samantalang Pilipino ang mama nya. Bale ang full name nya ay Kyo Regan Asahina at 5 years na rin siyang nag-i-stay dito sa Pinas. Siya lang ang naandito habang nasa Japan naman sila Tito. Mangyari lang na isa sa mga hiling ni Tita ay ang iparanas kay Kyo ang buhay sa Pinas kaya ipinadala ni Tito ang anak nila sa bahay ng kapatid ni Tita na si Auntie Jowanne na sya ring may ari ng tinitirahan namin ni Kyo ngayon.

Since birth nakatira na sila Kyo sa Japan. It just happened na mag-best friend ang mga mama namin kaya tuwing may occasion o kaya naman bakasyon, lagi silang umuuwi sa Pilipinas o kung di naman, kami naman yung iniimbitahan nila para pumunta sa kanila sa Japan. At dahil pareho pa kaming only child ni Kyo, tinuring na lang naming magkapatid ang isa't isa at sa sobrang close namin, naging mag-best friend na kami. At salamat sa naka-imbento ng internet, kahit na di kami nagkikita personally noon, di nangyari na nawalan kami ng komunikasyon sa isa't isa.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now