Ch26. Guilt (Part 1)

14 0 0
                                    

- ANDREI "REY" -

Mabuti na lang tuyo na rin sa wakas ang damit ko at since hindi naman ganung kalamig ang panahon bagaman umuulan, minabuti ko na lang ding iwan sa locker ang jacket na ipinahiram sa akin Tangkad kanina.

Lunch break at si Kyo lang ang kasama ko ngayon dahil may practice ang cheerleading squad na kinabibilangan ni Chris at doon na sila kakain ng lunch sa dance hall. Kaya lang mas mabuti pa atang hindi na lng ako nag-lunch ngayon. Pakiramdam ko kasi namanhid ang tenga ko sa haba ng sermon ni Kyo."


"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko Rey?," sabi niya pero patay malisyalang akong sumubo sa kinakain ko.

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang tungkol sa damit mo? Wala na ba tayong pambili ng maayos na damit? Ano na lang ang sasabihin ni Tita kung napagtripan ka sa kalye kagabi?"

Tingnan mo 'to. Inulit niya lang yung sinabi niya kanina. Narinig ko na yan eh. Ulit-ulit? Ulit-ulit?

"Rey, hindi ka na bata. Next time, huwag ka na ulit magsusuot ng maiikling shorts. This is all for your own good. We never know kung anong tumatakbo sa isip ng mga nakakasalubong mo sa daan," frustrated na paliwanag ni Kyo.

Trust me, naiintindihan ko na ngayon kung bakit dahil sa naranasan ko kagabi. Sa kakasunod ko kay Jero, muntik na akong mapagtripan kagabi. Buti na lang talaga at dumating si Jero ko.

Para siyang isang knight in shining and shimmering splendid armor kagabi. Ibang-iba siya sa Jero na sinusubaybayan ko lagi. Mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.

"Rey!"

"Ay! Ano ba yun?," takang baling ko sa kanya. Nakikinig naman ako ah.

"Magmula sa araw na ito, oras na magsuot ka pa ng mga ganung klase ng damit, you will be grounded. You understand?"

"Unfair!"

"May basbas ako ni Tita kaya you have no choice. I am the one in-charge. Ubusin mo na iyang pagkain mo. May klase pa tayo ng 1pm, baka nakakalimutan mo," sabi niya at naka-dekwatro pang umupo habang nag-i-scroll sa cellphone niya.

Life is so unfair.

Bakit hindi pwedeng ako ang in-charge?

〰〰〰➰⚪➰〰〰〰

"Rey, sit in muna ako sa klase niyo," bati ni Chris sa akin.

4 pm na at katatapos lang ng practice nila at since kasama siya sa cheerleading squad, exempted na sila sa klase nila sa hapon.

"O! Akala ko ba naiwan mo ito ito sa restau?," agaw pansin niya sa payong ko. Terno kami ng payong kaya nanghinayang talaga ako nang maiwan ko ito kahapon pero laking pagtataka ko nang makita ko ito sa bahay kinagabihan.

"Ahh baka nakita ni Dale," sagot niya sa sarili niyang tanong.

"Tapos pinadeliver niya sa bahay namin? Eh hindi nga niya alam ang address namin. Kung siya nga, pwede naman niyang ibalik ngayong araw pero nakita ko ito sa bahay kagabi."

Tinanong ko si Kyo tungkol dito pero wala naman daw dumalaw sa bahay namin nung hindi pa ako nakakauwi kaya paano yun makakapasok sa bahay namin?

Creepy... brr...

"Nag-ooverthink ka lang siguro. Baka naman ibang payong yung nadala at naiwan mo kahapon or baka hindi mo lang namalayan na naiuwi mo pala ito. Anyway, nabalitaan mo ba yung nangyari dun sa isang taga-Saint Nicholas?"

"Bakit? Ano bang nangyari?"

"Isang babaeng student kasi ang nakitang walang malay at puno ng pasa at mga sugat sa katawan hindi kalayuan sa restaurant nila Dale-"

Pakiramdam ko ay pinagbasakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Tiningnan ko si Chris at alam kong hindi siya nagbibiro.

It cannot be... di ba?

Conincidence lang yun?

"Rey?," pukaw ni Chris sa atensyon ko pero mukhang kailangan ko atang magbanyo.

"Cr lang ako saglit Chris," paalam ko sa kanya nang hindi siya nililingon.

"O-kay."

Dali-dali kong isinara ang pinto ng banyo at saka ko tiningnanan sarili ko sa salamin. I looked horrible.

Hindi ko alam kung anong dapat isipin. Coincidence lang naman siguro iyon, di ba?

She cannot be that girl-yung babaeng nakita ko sa restau nila Double D.

Hindi siya iyon, di ba?

090521

A/N: Sorry po. Now lang ulit nakapag-update. I will try na makapag-udate ulit kahit paunti-unti.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon