Ch6. Stalk-err - EDITED

30 2 0
                                    

- ANDREI "REY" -

"Look! Look! Okay lang ba tong suot ko! Ayos lang ba?" tanong ko kay Chris at saka pa namewang sa harap nya.

By hook or by crook, sa akin lang si Jero!

Sa halip na makatanggap ako ng palakpak ay isang unan ang humslik sa mukha ko. Yung totoo? Nag-usap ba sila ni Kyo? Parehong pareho sila ng response eh.

"Nababaliw ka na ba? Saan mo nakuha ang... damit na iyan?"

"Nakakapang-insulto ha. Kailangan mo talaga akong i-head to toe?" Hindi ko maiwasang simangutan siya. Wala namang problema sa suot ko ah!

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang sarili ko sa salamin. "Bagay naman sa akin ah. Tingnan mong maigi!" Paglingon ko ay wala na ang kausap ko. "Chris! Nasaan ka ba?"

"Ito! Ito ang isuot mo dahil kung hindi ay makukurot kita sa singit. Napakarevealing ng damit na yun na para kang pupunta ng club," sabi niya sabay hagis sa akin ng casual na pares ng blouse at skirt. Siya na rin ang pumili ng rubber shoes na iteterno ko rito.

"Chris naman eh! Matanda na tayo! Legal age na tayo kaya anong masama sa dress ko?!" Di ko talaga maintindihan kung anong mali sa suot ko!

"Hay naku Andrei, hindi ko alam kung saan mo nakukuha iyang mga sinasabi mo. Maka-matanda ka diyan eh kaka-eighteen lang natin. Saka ano na lang ang sasabihin ni Tita sa akin kung payagan man kitang magsuot ng ganun?"

"Chris, my friend... wala kang dapat ikabahala dahil ako ang bahala," pag-aalo ko sa aking anxious friend.

"Rey, tandaan mo ito," sabi sa akin ni Chris sabay hawak sa aking mga balikat, "Never ever change yourself para lang magustuhan ng ibang tao. Just be yourself. Hayaan mong makita niya yung totoong ikaw dahil hindi worth it ang isang relasyong nagsimula sa maling pundasyon. Okay? You are pretty just the way you are so just be who you really are," dagdag pa niya at saka ako pinaikot paharap sa salamin sa loob ng sarili kong kwarto.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maiwasang maiyak. Napakadrama ko ba? Pero masisisi niyo ba ako kung sabihin kong napakahirap paniwalaang maganda ako gaya ng sabi nila? Syempre, sasabihin nila yun dahil kaibigan ko sila. Pero para sa ibang tao, alam ko namang hindi ako maganda.

"Look here, Andrei. Look at yourself. Maganda ka, kailangan mo lang buksan ang mga mata mo para makita mo ang gandang meron ka. Hindi mahalaga ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay kung paano mo tingnan ang sarili mo."

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Chris at sunod ay sa sarili ko sa salamin. Tama nga siguro si Chris pero anong gagawin ko kung hindi ko makita ang gandang sinasabi niya hangga't hindi ko binabago ang sarili ko?

***

Matapos ang madrama naming session sa kwarto ko ay nagpasya na kaming umalis ng bahay. Sinunod ko na lang ang payo ni Chris at sinuot ang casual na terno ng blouse at above the knee skirt na hindi naman kaiklian habang suot ang isang pares ng white rubber shoes.

"Rey, sigurado ka ba talaga sa plano mong ito?" tanong nya sakin.

"Oo naman. Narinig mo naman si Kyo, di ba? May ka-date si Jero ngayon kaya kailangan natin syang bantayan." Totoo naman eh! Nasaan na ba yung shades ko. Kailangan ko ng pang-disguise!

"Mukhang ikaw pa nga ata ang kailangan kong bantayan eh," bulong nya pero di naman nakaligtas sa pandinig ko kaya mabilis ko syang nilingon para suotan din ng shades.

"Suotin mo na lang ito kesa magreklamo ka dyan," ani ko at saka binilisan ang paglalakad para di kami maabutan ni Kyo dito sa bahay. Mahirap na, masyado pa man din yung kj (kill joy).

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon