Ch4. Nice to Meet You - EDITED

48 1 0
                                    

- ANDREI "REY" -

"Napansin ko parang pumupusyaw ka these days. May ginagamit ka ba?" bulong sakin ni Chris.

Nasa university kami ngayon at dahil di sumipot yung sana ay professor namin para sa oras na ito, self-study muna kami. Para saan pa ang pinapasweldo sa kanila kung ganitong hindi naman sila nagtuturo nang maayos? Anyway, wag tayong mahpakastress, nakakapangit. Saka isa pa, pumupusyaw daw ako. Narinig niyo yun?

"Talaga?! Walang bawian?!" excited na tanong ko kay Chris.

Tiningnan ko yung dalawang braso ko at saka itinapat sa mga binti ko. Hindi kasi pantay ang kulay ko. Mas light ang kulay ng mga binti ko kung ikukumpara sa mga braso ko kaya kung anu-anong products ang nagamit ko na simula noon. Naalala ko pa, sa kakagamit ko ng iba't ibang products na nakikita ko online, nagkatigyawat ako kaya pinagalitan tuloy ako ni Kyo. Kesyo kung anu-ano daw kasing pinaggagagamit ko?

Palibhasa maputi sya kaya di nya alam kung anong nararamdaman ko. Kaya ginawa ko, tinanong ko si Aya, pinsan ni Kyo na half Japanese din. Nagkataon, nasa Japan sila nun kaya nagpabili ako sa kanya nung effective na magpapantay sa kulay ko. Di ko naman talaga gustong pumuti nang sobra. Ang gusto ko lang naman yung pantay yung kulay ko from head to toe. Di naman siguro yun masama, di ba?

"So, ano ngang gamit mo? Meron ba?" tsismosa talaga tong si Chris kahit kailan kaya nagkakasundo kami nito eh.

"Pantay na ba yung kulay?" pinakita ko sa kanya yung legs at braso ko.

"Oo nga! Kaya nga tinatanong kita!" Mahina lang ang boses namin para hindi naman eskandalosa sa iba pero itong si Chris mukhang ha-high blood-in na.

"Easy ka lang. Kalma," sabi ko sa kanya na di pa rin makaget over. Nakatingin lang ako sa braso ko habang nakangiti.

For sure mapapansin na ko nito ni Jero. Kapag naiisip ko yun, di ko maiwasang di kiligin. Hihi.

"Ahh so ganun. Ang galing naman. Sobrang effective nga."

"Ito naman, masaya lang ako kasi napansin mo." In the end sinabi ko rin sa kanya kung ano yung products na gamit-gamit ko. Yes po, with 's', plural form po. Mahala magpaganda pero para kay Jero, di bale nang gumastos, mapansin lang niya.

"Ay! Gusto ko rin yan! Meron pa daw ba?" Tiningnan ko lang si Chris mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay.

"Ako ba iniinsulto mo? Anong gusto mo? Maging kakulay nung white board?"

"Grabe ka sakin! Ikaw lang ba pwedeng gumamit nun? Parang di kita kaibigan."

"Hindi mo na naman kasi kailangan yun. Ang puti mo na kaya don't you ever try, baka mawalan ka na ng melanin. Ikaw din, that will be worse." Totoo naman eh. In the end, mukhang nagets naman ng aking best friend ang ibig kong sabihin kaya tumayo ako para yayain syang kumain sa cafeteria. Nagugutom na mga alaga ko kaya we better eat na.

Habang naghahanap kami ng muupuan sa cafeteria, may humarang sa daan ko kaya napatunghay ako para tingnan kung sino ito.

"Akala ko di mo na ako papansinin e," sabi nya habang nakangiti. Sya yung isa dun sa mga nakasama ko sa loob ng detention room na yun.

Ilang araw na ang nakakaraan simula nang mangyari yun pero hanggang ngayon, di ko pa rin nalilimutan yung mga nangyari.

〰〰〰➰⚪➰〰〰〰

Flashback...

"Uto-uto ka rin no?" masungit na sabi nung matangkad na nakataas ang kilay at saka pa ngumisi sakin.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now