Ch11. New Housemate - EDITED

25 2 0
                                    

- ANDREI "REY" -

"I didn't know na nakakapagod at nakaka-huggard pala ang paghahanap ng boarder," sabi ni Chris sa tabi ko na kapareho ko nang nakabagsak ang balikat sa sobrang dismaya.

Akala ko rin magiging madali lang ang paghahanap ng new housemate namin pero nagkamali ako. Nakakailang labas pasok na kami sa bahay dahil sa pagwewelcome ng mga potential candidates para sa new housemate namin pero hanggang ngayon wala pa rin kaming napipili.

***

F

lashback...

"So tulad ng nakalagay sa post, bawal ang boys dito at kung may magiging bisita ka man, make sure na makapag-abiso kamagad sa amin para maconsider namin if talagang hindi maiiwasan ngunit subalit datapwat hangga't maaari, bawal ang magpapasok ng kung sinu-sino sa bahay na to. Okay?" masigla kong paliwanag sa kaharap naming candidate for our new housemate dito sa sala habang katabi ko si Chris na kasama ko sa pagki-critique.

"Ang dami nyo namang arte! Paano ko pa maeenjoy ang youth ko kung ganyang ang daming bawal?! Sa iba na lang ako maghahanap! Di bale na lang!" pagkasabi nya nun ay nag-walk-out na sya sa harap namin nang walang lingun-lingon.

"Alam mo kung di lang ako nakapagpigil, nasabuyan ko ng asin sa arte ang baklitang yun. Halata namang may pinagawa sya, makapag-inarte-wagas!" sabi ni Chris kaya sinaway ko naman agad sya.

"Chris, ang rude nun!"

"Totoo naman kasi eh."

***

"Hindi nyo naman sinabi na sa second floor pala ang magiging kwarto ko kung sakali. Iniisip nyo bang mag-aakyat-baba ako dyan sa hagdan nyo sa edad kong to?!"

"Ah-eh-"

"Hay naku mga bata kayo! Nasayang tuloy ang pagpunta ko rito! Makaalis na nga!"

"Ay pasensya na po Nay," sabay na sabi namin ni Chris pero mabilis pa kay Flash na nakaalis si Nanay sa harap namin matapos kaming sigawan ng, "Di ko kayo anak!"

"I think, mas maganda lagyan natin ng age limit," suhestyon ni Chris sabay agaw sa akin ng laptop para i-update ang facebook post namin.

"Agree ako dyan!" at dinagdagan na nga po namin mga bes ang age requirement sa new boarder namin.

***

"Ok na ba sa'yo tong kwartong to?" tanong ko sa panibago na namang candidate namin.

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now