Ch27. True Color

11 1 0
                                    

- Caleb -

Hindi ko maiwasang hindi itaas ang kilay sa nakita ko. Anong ginagawa niya sa loob ng isang pub habang nakasuot ng... wig?


Tiningnan kong maigi ang pangalan ng pub na pinuntahan niya at kilala ang pub na ito bilang lungga ng mga estudyante ng karibal naming university.

Anong ginagawa ng babaeng yun dito?

Tsk.

...

...

...

"Ahahah totoo ba iyan? Maganda ba, sexy? What? Sabihan mo siyang pupuntahan ko siya sa table niya, huwag siyang masyadong mainip. Talaga? Taga-white gate?-"

Hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa lalaking kalalagpas lang sa akin. Hindi ko ito kilala pero base sa suot niyang uniform ay taga-black gate siya, ang isa sa mga karibal naming university.

Red Gate, Blue Gate, Black Gate at White Gate - iyan ang bansag sa top 4 universities ng distrito namin.

No special reasons, yun kasi ang kulay ng mga gates ng bawat school kaya yun ang ibinansag dito ng mga naunang henerasyon ng District Council.

And what? White gate? Hindi kaya - no. I don't care. Kung siya man yun, siya ang naglagay sa sarili niya sa alanganin.

Mabilis kong iwinaksi ang nasa isipan ko at nagpasya nang umalis. Ngunit parang may sariling isip ang mga paa ko dahil nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng pub.

"O? Isa pang taga-white gate?," bati sa akin ng isa sa mga naroon. Isa ito sa mga athlete nila kaya malamang kilala niya ako.

"Susunduin mo na ba yung kauri mo pauwi sa inyo?," mapang-uyam na tanong sa akin ng isa.

Sa halip na pansinin sila ay mabilis kong inilibot ang paningin ko para hanapin siya.

Kahit kailan, ang hilig niya sa disgrasya.

*Boogsh*

Napadako ang paningin ko sa lumagabog at dali-dali ko itong pinuntahan. Laking gulat nang makita ko siya. Hawak siya sa kwelyo nung lalaking nakita ko kaninang may katawagan sa telepono.

Mabilis pa sa alas kwatro ang mga kilos ko at agad ko siyang dinaluhan ngunit mas mabilis ang naging kilos niya at nakita ko na lang na nakadapa na ang lalaki habang nakatukod ang tuhod niya sa likod nito.

Did she just-? How come?

Napamaang akong napatingin sa mukha niya at hindi ko mabasa ang emosyon nito. Tila ba kinakabisado niya ang itsura ng bawat tao sa paligid hanggang sa daanan niya ako ng tingin-

Dinaanan niya lang ako ng tingin?

Hindi niya ba ako nakilala o wala lang talaga siyang balak na pansinin ako?

How long would she keep up with this act?

"Sige na, sige na. Pumapayag na ako. Gagawin ko na ang sinasabi mo," sabi ng lalaking pinatumba niya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Paano ako makakasiguro?," tanong niya sa lalaki at diniinan ang hawak dito nang may magtangkang lumapit sa kanila.

"Ahh! Aray-aray-aray-aray! Magsitigil nga kayo! Pinalalala niyo lang eh!," awat nito sa mga kabaro at maya-maya pa ay palihim itong naglabas ng patalim kaya naalarma ako at akma na sana siyang dadaluhan ngunit mas mabilis pa siya sa inakala ko.

Naagaw niya agad ang patalim at isang matalim na tingin ang ibinagay niya sa nakadapang lalaki na para bang nakikita siya nito.

"Hindi niyo talaga ako sineseryoso ah," matapos yun ay iniitsa niya ang patalim at nang sundan ko ito ng tingin ay halos mapanganga ako nang makita kung saan ito tumama.

One thought filled my mind.

She is dangerous.

Diretso ang patalim na yun sa sleeve ng nagtangkang magbato sa kanya ng isang baso at halos napanganga ito habang nakatingin sa patalim.

Paano niya nagawa yun? May mata ba siya sa gilid o likod?

"Okay! I am sorry. Sorry na talaga. Hindi ko na yun uulitin," pagmamakaawa ng nakadapang lalaki nang makita ang mangyari.

"Hindi iyan ang sinabi ko sa iyo. Alam mo na naman sigurong hindi ako nagbibiro? Oras na hindi ka tumupad, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," sabi niya lang at tumayo na sabay alis nang hindi man lang lumilingon.

What did I just witness?

Is there a hidden camera somewhere?

Sinundan ko siya at napatigil na lang ako nang bigla siyang magsalita, "Wala kang nakita at hindi mo ako kilala."

Yun lang ang sinabi niya at umalis na.

So? Is this your true color?

Andrei.

Hindi na talaga kita kilala.

Hindi na talaga kita kilala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N: Never mind the mic. This is Andrei with long hair.

02142022

Behind that Mask (What's Your Darkest Secret?)Where stories live. Discover now