Epilogue

1.7K 25 14
                                    

Author's Note

Hi Guys!

As 'SIR...' comes to an end I want to thank all the supporters of this story lalo na si us3rnam3sar3stupid (Priscilla Buenavista) <--- thank you for encouraging me na gawin ang story na to. For Lee__Miyaki (Ate Kim) <---- kayo po ang naging inspiration ko para sa tema ng strory na 'to. For TheHotCheeks, GomezJoseph, remindsyou at IknowYouWho thank you sa support guys, pansin ko na every chapter ng story ko lagi kayong nagco-comment kaya payo ko lang, please gumawa na kayo ng sarili niyong story ok? Support ko kayo diyan!

Thank you very much for the 16k reads, 768 votes and 338 comments. So far ito ang masasabi kong pinaka-successful na story ko since 2nd story ko pa lang naman 'to.

Picture ni Yna--->

=====================

Third Person's POV

Isang babae ngayon ang makikita mo sa ilalim ng Cherry Blossoms sa Japan na nagbabasa ng libro. Naging past time niya na ito dahil sa sobrang busy niya sa trabaho lalo pa't siya ang namamahala sa company nila dito sa Japan. Spring time sa Japan ng mga panahong iyon. Kaya panglamig ang suot niya.

Siya ay si Yna Velasquez isang babaeng maganda, matalino, malinis ang puso at isa sa successful na businesswoman dito sa bansang ito. Yun ang alam ng mga tao dito. Ang hindi nila alam sa likod ng mga magagandang katangian na iyon ay nababalot siya ng lungkot. Lungkot na matagal niya nang nararamdaman na akala niya ay naiwan na sa Pilipinas. Pilipinas kung saan siya nakatira noon.

Sa ilang oras niyang pagbabasa doon, naisipan niyang tingnan ang cellphone niya kung saan nakalagay ang mga litrato nilang pamilya bago siya umalis patungo dito. Napadpad ang mga mata niya sa mukha ng daddy niya. Naalala niya ang una at sanay hindi huli na nakita niya itong ngumiti sa kanya.

Flasback

Magpapahinga na sana siya pero kumatok ang maid sa pintuan niya at sinabing...

"Ma'am Yna pinapatawag po kayo ni Mr. President" sabi ng maid

"Sige susunod na ako" naging tugon niya

Tinungo niya ang kwarto ng daddy niya para malaman kung bakit siya pinapatawag.

"Dad, pinapatawag niyo daw po ako?" naging tanong niya sa daddy niya pagpasok

Nginitian siya ng kanyang ama. Unang beses niyang nakita itong ngumiti sa kanya.

"As what I can see your doing well" sabi sa akin ni dad na nakatayo sa harap ko "Halika pasok ka" pinapasok niya ako sa kwarto niya at pinaupo sa side chair niya

"Mukhang stable ka na" paunang sabi niya "Remember 2 years ago? I asked you about-"

"I want to go to Japan dad" diretso kong sabi sa kanya "May business din tayo dun at I want to handle it"

When We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon