Chapter 38- Break out

1K 17 8
                                    

Yna's POV

"So you're back" sabi ni daddy sa akin

Nakaupo siya sa single sala habang si kuya at si mommy naman ay magkatabi sa couch. Ang mga maid naman ay nakatayo lang sa likuran nila at ako naman ay nakatayo sa harapan nila. Ang mga body guards ko naman ay nasa may pinto. It looks like a presidential visit here.

"Is this for good o balak mo nanamang umalis?" dagdag niya pa

"Dad, pwede ba kakarating palang namin-"

"Shut up Tristan, hindi kita kinakausap"

"Simula ngayon, gagawin ko na kung anong gusto kong gawin at wala nang makakapigil sakin" marain kong sabi

"Talaga? Paano mo gagawin yun at paano mo uumpisahan?" mataray na sabi ni mommy

"Ako na ang may hawak sa buhay ko"

"You're still depending on us Yna, ni hindi mo pa kayang suportahan ang pag-aaral mo. So paano nasasabi yan?" kalmadong sabi ni daddy

"Ito ba talaga ang naidulot sayo ng lalaking yun?" sabi ng nanay ko "You're almost a perfect young lady! Dumating lang yang lalaking yan-"

"Stop it! Noon pa man hindi ako perpekto dahil wala naman talagang taong ganun eh, ganito na ako dati pa hindi niyo lang napapansin dahil parati kayong wala! Ano bang klaseng magulang kayo? Pati kasiyahan ko kinuha niyo"

"Sinasabi mong masaya ka kasama si Christopher but I don't think those times and until now na pinaghiwalay ko kayo magiging masaya ka" pahayag ng tatay ko

"Anong gusto niyong palabasin?"

"You don't need to know"

"Kaylangan kong malaman"

"But still I won't tell you kaya hindi mo malalaman"

Panandaliang natahimikang paligid. May tumawag kay kuya kaya umalis siya dito sa living room.

"Ganyan na ba talaga kayo kalupit? Magulang ko pa ba talaga kayo? Mas mabuti pa sigurong hindi ko nalang kayo naging magulang dahil hindi nararapat sa inyo!" at isang malakas at pinakamasakit na sampal ang inabot ko sa tatay ko

"How dare you?!"

"Ang tunay na magulang na nagmamahal sa anak nila, binibigay ang kasiyahan sa anak para sa ikabubuti nito na mabuti ang intension. Yun ang hindi ko nakita sa inyo, isa lang naman ang nakikita ko sa inyo eh" huminto ako saglit "Wala kayong kwentang magulang"

Panibagong sampal na nanggalig sa nanay ko ang nakuha ko. Ganyan naman sila eh, lagi nila akong sinasaktan. Kung dati tahimik lang ako ngayon kaylangan ko nag kumilos dahil baka mamaya pagsisihan ko ito habang buhay. Hinarap ko ulit ang mukha ko sa kanila.

"Kalimutan niyo na lang na may anak kayo dahil pagod na pagod at sakal na sakal na ako sa inyo" mariin kong sabi "Manang pakihanda ang gamit ko, aalis na ako sa impyernong bahay na ito"

"Gamit? Akala ko ba kalimutan na namin na anak ka namin? Binigay lang naman namin ang mga gamit mo dahil anak ka namin pero ngayong hindi na, binabawi na namin yun. Pati yang damit mo, hindi na rin sayo yan" sabi ng babae sa harap ko

"Anong gusto niyo hubarin ko ito?"

"Hindi, nakakaawa ka naman kasi kung wala ng matitira sayo" asar na sabi niya

Naglakad na ako palabas ng pinto ng maalala ko na meron pa silang dapat marinig galing sa akin.

"Kahit kaylan pala talaga hindi niyo ako minahal palibasa paborito niyo si kuya kaya baliwala lang ako para sa inyo. Narape na nga ako lahat-lahat eh, hindi niyo man lang ako inisip, hindi man lang kayo nag-alala para sa akin. You didn't even comfort me. Kaya ngayon masaya akong aalis sa bahay na to dahil sa wakas nakawala na ako sa kulungan na gawa niyo" sabi ko at tuluyan ng umalis

When We FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora