Chapter 1

6.9K 112 43
                                    

Yna Velasquez's POV

This is my first day in my new school but for others it is not. Look, I'm a second quarter transfery here, right? Got kicked out you know? But I don't care, I love this school. I could even throw a party for me being proud entering here.

"This university is much better," sabi ni Skylyn ng makapasok kami sa gate ng bago naming school.

Nagkibit balikat ako at nagsalita, "Yeah you're right. Mas maganda nga dito kesa sa dati nating pinapasukan. Look at the students, they look more cool and bad ass," sabi ko naman habang nakangiting nakatingin sa kaniya.

Kasalukuyan naming tinitingnan ang kabuohan ng paaralan. Ito na kasi ang papasukan namin simula ngayon. Sabay kami ngayong dalawa dahil iyon ang gusto ni Dad. He wants Skylyn and me to be best friends which will never happen not unless she changes her clothing and everything about her because she's too boring and too jologs.

"Why do bullies exist?" tanong sa akin ng nakatulalang si Skylyn.

"I don't know...maybe it's because you're a lozer," I said. But of course that's a big joke. I will never dare to say that because she might cry inside the comfortroom for days.

"Hindi ko rin alam Sky...pero huwag kang mag-alala po-protektahan kita kahit na anong mangyari," sabi ko at ngumiti sa kanya. If you're going to take a look at this angle, napakabait ko hindi ba? So that's not really me. This is what her Dad wants. He ask me to protect her daughter because she is too weak to defend herself.

He looked at me, "thanks pero huwag na. Mapapa-away ka na naman. People will hate you. They could hurt you too as much as what they are going to do with me. Mapapahamak ka lang," She looks worried. Ako naman, nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Ewan ko ba kung bakit siya nalang lagi ang napapagtripan ng mga studyante sa dati naming paaralan. Tsk, ayaw niya kasing lumaban eh. Either it is physical or verbal bullying ang ginagawa sa kaniya, hindi siya nagsusumbong o gumaganti manlang. Kaya ang tingin sa kaniya ngayon ay isa siyang lozer. At dahil sa insidenteng nangyari over a week ago, our dads decided na dito na kami sa St. John University mag-aaral. Which is why I'm very thankful to her.

"Alam mo Sky, you need a change. As in magbago na halos hindi ka na makikilala bilang ikaw dati," sabi ko. Then she looked at me.

"Tingin mo?" Tss..sasabihin ko ba kung hindi 'yun ang tingin ko? Idiot.

Magkaklase kami ni Sky since Kinder, since then lagi kong nakikita ang struggle niya sa pagkakaroon ng kaibigan. Weirdo kasi siya kaya walang gustong lumapit. Paano naging weirdo? Mahilig siya sa anime tapos 'yun ang lagi niyang topic, buti sana kung naiintindihan namin ang ikinukuwento niya pero hindi e, dahil hindi naman kami nanunuod nun. Nagsasalita rin siya ng Japanese kapag naiinis siya tapos kinakausap niya 'yung drawing niya. Oo mahilig siyang mag-drawing...ng anime. Tumatawa rin siya ng mag-isa. Totally weird, right?

"Oh shit!" Narinig ko ang sinabi ng taong nasanggi ko pero just like always and just like me, wala akong pake kaya dumeretso lang ako sa paglalakad.

"Hey, you! Hindi ka ba marunong tumingin sa nilalakaran mo?!" Napalingon ako sa kaniya sa sobrang lakas ng boses niya. Actually, hindi lang ako e, lahat ng nandito sa surrounding namin napalingon sa kaniya.

I looked at him and raised my eyebrow. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. May hawak pala siyang hot chocolate at natapunan siya nito.. Talaga nga namang iinit ang ulo niya dahil nasira porma niya. Wearing only a white shirt and a black jagger pants. It's also his fault, hindi rin naman siya tumitingin sa dinadaanan niya.

"Whatever," sabi ko sa kaniya. Nakita kong nainis siya sa inasal ko pero wala akong pake if he's expecting me to say sorry, well, that's not me. Tumalikod lang ako sa kaniya at naglakad.

When We FallWhere stories live. Discover now