Chapter 7

2.4K 54 17
                                    

'You didn't court me.'

One Sunday afternoon, nandito kami ni Kean sa bahay ni Sky. Nanunood lang ako habang sila gumagawa ng project. Magka blockmate kasi sila sa isang subject. They both look okay now compared dun sa una nilang pagkikita.

"Hey!" Inis na tapik ni Sky kay Kean.

"Are you crazy?! Bakit mo ko tinapik? Kumalat na tuloy yung pintura." Inis din na sabi ni Kean habang nakatingin sa ginagawa nila.

"Hoy! Tinawag mo kong baliw ha! Sira ulo ka pala eh bakit mo ipinangpunas yung panyo ko?!" Galit na sabi ni Sky at itinulak ng bahagya si Kean.

"Tsk, di naman kita tinawag na baliw eh. It was just my emotions you know? Besides di ko naman alam na panyo mo yun eh." Paliwanag ni Kean.

"Sige deny pa! Emotions- emotions ka pa riyan!"

Ah binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina. Parang aso't pusa parin sila, laging nagbabangayan.

"Guys alis muna 'ko ah." Sabi ko pero hindi nila 'ko pinansin.

Pagkalabas ko ng bahay, dinig ko parin ang bangayan nila. Tungkol naman ito sa nawawalang I.D. Hay, kailan ba sila magiging okay?

"Hmm Yna?" Napalingon ako kung sino at ganoon nalang ang pagkagulat ko.

"Sir Medrana, what are you doing here?" Tanong ko.

"Ah ano.. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Apparently, this is my best friend's house, sir." Sagot ko naman.

May kakaiba sa porma ni Sir ngayon ah. Mukha siyang disente.

"Haven't I told you na wag mo na 'kong tawaging 'Sir'?" Sabi niya at itinukod ang isang kamay sa pader.

"Sorry parang hindi kasi proper eh." Sabi ko habang nakatingin sa dibdib niya na konti nalang ang layo sa akin.

"Hindi proper? C'mon.. you're my girlfriend. Paanong hindi magiging proper 'yun?" Kunot-noong tanong niya habang nakatingin.. sa akin o sa labi ko?

"You didn't court me. Paano mo ko magiging girlfriend?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ako instant noodles-ay este instant girlfriend? Dumaan muna siya sa butas ng karayom no!

"Tss yun lang pala eh." Ipinagwalang bahala niya ang sinabi ko sa halip ay hinila niya ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Liligawan kita." Sagot niya habang nakangisi.

Hinila ko rin siya.

"Hoy! Date ang tawag dun, sira!" Sabi ko habang nakapameywang sa kaniya.

"Tss edi unahin nating mag date." Sabi niya habang inaayos yung motor niya. "Sakay."

"Eh kung ayoko?" Sabi ko sa parang ng aasar.

"Eh kung halikan kaya kita para matigilan ka?" Naku! Nakangisi na naman ang loko.

"Subukan mo." Ha! Alam ko namang di niya kaya yun eh. Pinagti-tripan niya lang naman ako. Akala niya siguro- "Hmp!" Naramdaman ko na lang na lumapat ang labi niya sa akin. He hugged me tight.

When We FallWhere stories live. Discover now