Chapter 11

2K 41 6
                                    

'Moved on?'

"Yna," tawag ni Kuya Tristan sa akin.

I'm here inside my room, doing some stuffs when he entered.

"Good morning kuya." Bati ko without looking at him.

"About your boyfriend-" Oh I know kung saan na naman ito mapupunta. And I don't wanna go to that point.

"Kuya, di ba may seminar ka pang dapat puntahan?" Paalala ko sa kanya.

"Yeah pero wag na lang 'cause I really want to talk to you. You need to know what is the reason behind the rejection of Jc in our family." Sabi ni kuya na nagpa-interes sa akin na mag-usap kami.

((Ding Dong!))

We looked at each other's eyes at bigla nalang kaming nag-unahan sa baba para buksan ang pinto. We were doing this when we were small. Goal naming maunahan si manang sa pagbukas ng pinto sa baba. Nakasarado kasi yun kahit na may main gate kami.

Nauna si kuya sa akin sa pagbukas ng pinto. He was just staring dun sa nagdoorbell. Kaunti lamang ang uwang na halos katawan lang ni kuya ang kasiya kaya pilit kong inaaninag kung sino ang bisita.

"Sino ba yan?" Tanong ko at hinawi si kuya mula sa pinto. "Sky, what are you doing here?" Mamayang hapon pa klase niya ah same as mine.

Hmm alam ko na kung bakit natigilan si kuya kanina. May mga bahay talaga na kay hirap limutin. Yung akala mong okay na, yun pala hindi pa rin.

Nung minsang pumunta ako noon sa bahay ni Sky para sana kamustahin siya dahil hindi siya pumasok noong araw na yun dahil may sakit daw ito ay nakita kong nakabukas ang pinto ng bahay nila kaya pumasok na ako tutal ganoon naman ang kinagawian ko. I was calling her then pero walang sumasagot kahit na sina tita, kaya naman umakyat ako sa taas ng bahay nila.

"Kuya, naunahan-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita kong umiiyak si kuya habang nakasilip sa kwarto ni Sky.

"Anong nangyari?" Gusto ko sana itong itanong kay kuya pero mas minabuti kong wag nalang. Alam kong sobra siyang nag-aalala kay Sky na girlfriend niya kaya I went there by his side to check it all by myself.

I saw her kissing him.. Tsk! Kahit ako
I was shocked on what I'm seeing that time at tila gusto ko na ring maiyak para sa kuya ko. Imagine, he's just staring at them kahit na harap- harapan siyang niloloko. Hindi ako nakatiis kaya naman ibinuka ko na ng todo ang pinto para naman maramdaman nung lalaking kahalikan ni Sky na may tao rito na nakakakita sa kanila.

They saw us at dali-daling tumayo si Sky. She seems shocked at hindi alam ang gagawin. Sabagay what would you react nga naman kung nahuli ka sa aktong nangangaliwa? Kuya walked away from them and I followed him.

"Tristan!" Tawag ni Sky pero hindi siya nilingon ni kuya. "Tristan, kausapin mo naman ako, please." She pleaded.

"PARA SAAN PA?! KITANG-KITA KO YUNG LALAKING YUN KASAMA MO AT NAGHAHALIKAN KAYO! ANO, ANO PANG PAGUUSAPAN NATIN?!" Hindi tumitigil sa pagtulo ang luha ni kuya. Kahit pa punasan niya ito ng pinusan. Malakas si kuya, I know that. Hindi ko pa nga siya nakikitang umiyak eh, ngayon lang.

"Tristan..I'm sorry..just let me explain, please" Sky said between her sobs. Napahilamos ng mukha si kuya.

"Sky, I already did my best but as what I saw awhile ago, it seems like all my sacrifices are not enough for you. I think I have to decide something that is hard for me to admit." He said calmly.

"What do you mean? Please don't tell me that y-you're- you're breaking up with me?!" Umiiyak na Sky ng sobra pero walang nagawa ang lahat ng yun.

Kuya left her. I didn't saw who the guy was because my eyes were fixed with Sky. Siyempre dahil sa nangyari ay apat na buwan kaming hindi nag-usap o nagpansinan man lang.

"Hi Tristan, long time no see." Bati ni Sky kay kuya. I was waiting for kuya's reaction but all I saw is his marvelous smile. Mukhang naka-move on na si kuya ah.

"Sky," bati ko sa kanya. "Tagal niyo ring di nagkita ni kuya, no?" Sabi ko sa kanya. She just lower her head down.

"Come in," sabi ni kuya at tuluyan ng binuksan ang pintuan.

"Sky, I'll just go up stairs. Maiwan ko muna kayo rito." Paalam ko sa kanila. Siyempre hindi totoong iiwan ko sila dahil habang nasa taas ako ay nakikinig ako sa usapan nila. Bahala na kung sabihin man na chismosa ako, basta malaman ko lang ang lagay nila.

"Um Tristan, can we talk?" Narinig kong umpisa ni Sky habang nakaupo sila sa sofa.

"We're talking actually." Sarcastic na sabi ni kuya.

"About us, Tristan." Sabi ni Sky na para bang hinahanap ang puso ni kuya.

"What about us?" Kuya sounds puzzled and I know deep in his heart, wala na siyang nararamdaman.

"About our informal break up." Tumawa ng bahagya si kuya dahil sa sinabi ni Sky.

"Oh c'mon Sky. It's been what? Two years?" He said tapos tumawa ulit.

"How come?" Parang hindi makapaniwala si Sky sa isang bagay.

"How come, what?" Inosenteng tanong ni kuya.

"Paano ka nakapag move on ng ganoon kabilis? Bakit? Meron na bang iba?" I can't see her but I can feel and hear that she's going to cry anytime soon.

He didn't answer. Why the hell did you said that Sky? Halos mabaliw si kuya 2 years ago dahil sayo. You have no right to question him!

"Oo nga pala no? Sino nga naman pala ako para magtanong? Wala naman na tayo." She said.

"Nakapag move on ako ng ganoon kabilis dahil ginusto ko. Nag aral akong mabuti and reached this kind of position as a professor. And just to clarify, I'm single." He answered all her questions. "Hmm I've heard kayo na raw ni Kean, yung best friend mo- ay ex mo pala bago ako." Patay malisyang sabi ni kuya kay Sky.

Sky holds his tears back, as what I feel. Pagkatapos ay sinagot niya si kuya.

"Y-yes, tama ka."

"Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" Kuya asked her.

"He's busy." Tipid na sagot ni Sky.

"Busy o walang time para sayo?" Feeling ko nang aasar na si kuya eh pero hayaan na nga. Kasalanan naman ni Sky ito dahil siya ang nag- ungkat tungkol dito.

"Kakasabi ko lang, busy siya." Depensa ni Sky.

"Edi wala ngang time." Sabi ni kuya. "Nung tayo ba, kailan ako naging busy? Kailan kita hindi pinagtuunan ng pansin?" Oh my kuya. Itigil mo na ito.

"Why do you need to compare him to you?" Inis na sabi ni Sky kay kuya.

"I'm just thinking kung anong nagustohan mo sa kanya. It seems like mas gusto mo siya dahil wala siyang time sayo?" Sabi ni kuya while mocking her.

"Alam mo akala mo kung sino ka makapagsalita, no?" Sabi ni Sky while sarcastically laughing. "Sa tingin mo ba mangangaliwa ako kung hindi ka nagkulang sakin ng attention? Kung hindi ka naunang-"

"Enough, Sky! I've thought about it already that you're not satisfied kung gaano karami ang naibigay ko sa iyo. And worst, hindi ka marunong magtiis!" They're losing their temper now. Saan kaya ito patungo?

"Is that so? Why do you think nakatagal ako ng ilang years sa 'yo kung hindi ako marunong magtiis?" "Tao din ako Tristan, napapagod mag mahal." Pinal na sabi ni Sky at naramdaman kong lumabas siya ng pinto ng bahay.

Seriously, pumunta lang ba siya rito dahil gusto niyang makausap si kuya? Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang kausapin ito gayong sila na naman ni Kean. Is she planning to do two timing again?

When We FallWhere stories live. Discover now