Chapter 40- The Wedding

1.3K 19 5
                                    

*This is dedicated to my bestfriend who encouraged me to do this kind of story. My classmate, my bestfriend and my co-author this is for you. I hope you'll find time to open your wattpad account again. Your readers are waiting for you*

Yna's POV

When I woke up nandito na ako sa kwarto ko sa bahay ng mga magulang ko. I saw my brother Tristan sitting beside my bed looking at me while my dad is sitting on the edge of the room near the door reading a newspaper.

"Gising ka na pala little sister" kuya said and gave me a smile

"Gising ka na pala" sabi ni dad

"Obviously" I said

"Terrence said that you fainted a while ago kaya dinala ka niya dito ng walang malay" my mom said as she enter the room

"Where is he?" I asked

"He left just before you woke up" sabi naman ni kuya

"Lets get this straight kung sa palagay mo ay wala kang naramdaman na pagmamahal mula sa amin na mga magulang mo at sa tingin mo ay ipinagkait namin sayo ang kaligayahan mo, now I will give it to you simula ngayon hindi na kami makikielam sa kung ano man ang gusto mo o magiging desisyon mo"

"Huli na daddy" natatawa kong sabi sa kanya habang may luhang pumatak sa mga mata ko "Huli na, kasal na siya sa iba" napayuko ako

"What do you mean?" my dad frowned

"Ikinasal na siya kay Benny kahapon lang. I tried to stop him pero" napasinghap ako ng hangin dahil sa pinipigilan kong umiyak ng todo "Nahuli ako"

"It only means that your not ment for each other" sabi naman ni mommy as she taps my head and kiss my forehead "Please excuse me" I watch her leave the room

"So?" dad said ang looked at me

"Gusto ko po munang mapag-isa" sabi ko ng nakayuko

"Let's talk about this if you made up your mind" sabi sa akin ni dad at umalis na din ng kwarto

"Lil' sis" napatingin naman ako kay kuya

"Kuya" pagkatawag ko sa kanya tuluyan ng lumabas ang tinatago kong iyak kanina pa

"Sshh" pagpapatahan sa akin ni kuya "Everything's going to be alright, ok?"

"Sana nga kuya, sana nga" sabi ko hopefully

After 2 years

Isang magandang babae ngayon ang nakikita ko na naglalakad sa center aisle ng simbahan. Nakangiti siya patungo sa isang lalaking gwapo at matipuno na nakanginting naghihintay para sa pagdating niya. The girl was wearing a white wedding gown and the boy was wearing a white tuxedo. Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao mula sa mga ninang, ninong, abay at flower girl pati na rin yung mga mag-aalay mamaya hanggang sa mga guest. Lahat sila masaya, makikita mo sa kanilang puso't mga mata na hiling nilang magtagal ang relasyon ng soon to be husband and wife. Isa ako sa kanila.

Habang isinasagawa ang seremonya ng kasal, hindi ko mapigilang i-picture ang sarili ko at si Christopher na ikinakasal. Alam ko namang hindi na mangyayare yun dahil kasal na siya pero wala namang masama kung pasasayahin ko lang ang sarili ko di ba? Kahit sa pangarap lang, kahit sa panaginip lang.

"You may kiss the bride" sa sinabing 'yon ng Pari naghiyawan ang mga tao may iba pa ngang kinikilig

Kahit ako kinikilig ako kina kuya at Sky. Nagagalak akong sabihin sa inyo na si kuya at Sky ang ikinasal ngayon-ngayon lang. After kasi ng graduation namin nagpasya na silang magpasaksal. It's been what, 2 years? 2 years ko na ring hindi nakikita si JC pero kahit ganun nandito pa rin siya sa puso ko. Pananatilihin ko siya sa puso ko hanggang magsawa na ako at hindi na siya papasukin pa.

"Yna" tawag sa akin ni kuya "Reception ah" paalala niya sa akin

"Ok" nagthumbs-up ako sa kanya pati na rink ay Sky na ngayon ay abot tenga ang ngiti

Nagpahuli na akong lumabas. Pinauna ko na yung bugso ng tao na lalabas mula sa simbahan. Naisipan kong umalis nang makita kong ako nalang ang tao sa loob. Papaalis na sana ako ng may mapansin akong siya namang ikinagulat ko.

"Richard?" tawag ko sa pangalan niya

"Kamusta na Yna?" masayang bati niya sa akin

"Ok lang ikaw? T-teka nagpari ka?"

"Yup" masayang sagot niya

Hindi ko sukat akalaing magpa-pari siya. Pilyo kaya yang lalaking yan!

"So what can you say?" tanong niya

"I'm shocked Richard as in"

"Father tawag po kayo ni Mayor sa telepono" tawag sa kanya ng isang binatilyo

"So paano, mauna na ako ah"

"S-sige F-Father Richard" paputol-putol kong sabi

Kumaway siya at nagpaalam sa akin. Patunay lang siguro ito na lahat ng tao ay nagbabago. Pati ang nararamdaman at gusto nila sa buhay ay nagbabago dapat nga sigurong kalimutan ko na lang ang nakaraan at pagbutihan ang kasalukuyan. Alam kong unti-unting mapupunan ang espasyo sa puso ko ng iba pang mga bagay at malapit na yun, malapit na malapit na.

Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na umalis sa simbahan upang sundan ang iba pang guest papuntang reception nina kuya at Sky. Nauna nang nakarating doon sina momm at daddy upang asikasuhin ang iba pang dapat asikasuhin sa venue para maging maayos ang lahat.

"Una sa lahat nagpapasalamat ako kay God dahil nagkabalikan kami..." naabutan kong nagsasalita si Kuya pagkatapos ipasa ni Sky ang mic sa kanya

Kinawayan naman ako ni daddy para agad kong mahanap ang dapat na uupuan namin. Napatingin naman sa akin si Kuya at Sky. They smiled at me and so am I.

Mabilis lang natapos ang kainan dahil nagkakantiyawan na ang mga guest na kaylangan na nila kuya na maghoney moon. Tatawa-tawa nalang sina Sky at kuya kapag naririnig yun dahil siguro alam nilang doon din naman sila pupunta pagkatapos.

Umuwi na ako sa bahay dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Pagkarating ko ay agad kong tinungo ang kwarto ko, nagpalit ng damit at magpapahinga na sana ako ng kumatok ang maid namin.

"Ma'am Yna pinapatawag po kayo ni Mr. President" sabi ng maid

"Sige susunod na ako" nginitian ako ng maid at isinara ang pinto

Tinungo ko ang kwarto ni daddy para malaman kung bakit niya ako pinapatawag.

"Dad, pinapatawag niyo daw po ako?"

Nginitian ako ni dad. It's the first time na makita ko siyang ngumiti sa akin.

Author's Note

Ayan puyat-puyatan na naman ang ate niyo dahil sa update na ini. Nakakapagod pero excited na akong tapusin ang story. Abangan ang kapana-panabik na epilogue. Sana suportahan niyo pa rin hanggang sa huli. I love you all!

When We FallWhere stories live. Discover now