Chapter 39- Tragic Nightmare

1K 17 5
                                    

Yna's POV

Pumasok na ako sa kotse ni Terrence.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagkapasok

"Pauwi na ako ng makita ka dito. What are you doing here anyway?"

"Wala"

"You're doing nothing sa loob ng waiting shed at basa ka?" tanong niya na natatawa-tawa

I look at my clothes, totoo ngang basa ito. Nabasa pala ako kanina? Siguro kaya ko hindi napansin dahil shocked pa rin ako sa mga pangyayare. Yung nangyare kanina sa bahay, hindi ko akalain na itong araw na 'to ang nakatakdang araw na makakalaya ako sa mga mgaulang ko na matagal ko ng hindi nararamdaman ang pagmamahal.

"Itago mo na yang sulat mo, nabasa ko na"

Nagulat ako sa sinabi ni Terrence. Hawak ko pa rin pala ang sulat kanina kaya itinago ko na 'yon sa bag ko. Lumingon ako kay Terrence, nakita kong lumingon din siya sa akin habang nagmamaneho.

"Tss. Kulang yung sinabi ni Jerome diyan sa sulat. Alam mo ba 'yon?"

"Paano mo naman nalaman?" tanong ko sa kanya

"Well, ang dami lang namang sinabi ni Mr. President sa ex mo at karamihan doon ay masasakit"

"That was my first thought kaya umalis si JC"

"Naging protective sa 'yo ang tatay mo, mahal ka nun, hindi nga lang halata" he stated

"At kanino niya lang pinapahalata sa kuya ko at sa nanay ko?"

"Ano ka ba naman, even your kuya and your mother nakakaranas sila ng mga bagay o sitwasyon ng tulad sayo" paliwanag niya "Try to see, mamaya or tomorrow tatawag na rin yang dad mo"

"How sure are you?"

"Hundred percent"

"T-teka, paano mo nalamang-"

"Your dad told me a while ago ang mga guards mo at ako hindi na kami aaligid sa 'yo sa pagba-babalik mo"

"Pagkatapos ng engkwentro namin ni daddy, I don't think na pababalikin niya pa ako sa bahay"

"Tiwala lang, Yna. Tiwala lang" sabi niya "For now saan mo gustong magpalipas ng gabi?"

"Ang totoo niyan, hindi ko pa alam eh"

"Mag-stay ka na lang muna sa condo ko" suhestyon niya

"Kasama ka?"

"Malamang dun ako nakatira eh"

Hindi nagtagal nakarating na kami sa condo niya. Itinuro niya sa akin kung sa akin kung saan akong kwarto pwedeng matulog pagkapasok namin sa loob. Bale dalawa kasi ang kwarto ng unit niya. Bago kami magpaalamang matulog tinanong niya ako kung gusto ko munang kumain bago matulog pero tumanggi ako.

I guess, I need to wear this clothes hanggang sa pagtulog ko. Wala kasi akong damit na iba di ba? So hindi talaga ako magpapalit. Inilapag ko muna sa tabi ng kama ang bag ko at naghahanda na sanang humiga nang may kumatok sa pinto. Linapitan ko 'yon at binuksan.

"Ah you might want to change your clothes so ito" inabot niya sa akin yung damit "Hanggang bukas na yan na damit mo"

"Salamat" nagtataka man ako kung bakit siya may damit ng babae sa condo niya hindi nalang ako nagtanong

"Sige matulog ka na" sabi niya kaya naman sinarado ko na yung pinto

Pagkasara ko ng pinto agad na akong nagpalit at nahiga sa kama. Hay, mahaba-habang araw nanaman bukas. Sana maganda ang mangyare bukas para naman magkaroon na ako ng reason para maging masaya.

When We FallWhere stories live. Discover now