Kabanata 7

3.2K 183 36
                                    

Kabanata 7: Not Yet

SINURI ni Yhinn ang envelope na kinaroroonan ng dalawang pirasong bond paper. Hawak-hawak niya ito sa kaliwang kamay at ramdam niya ang mariing tingin ng mga kasama niya. Lumunok siya at itinaas ang laman ng envelope.

"'Yan ang laman?" Hinawakan ni Zaira ang kamay niya.

Naglapitan sa kanya sina Nigel nang ilahad niya ang bond paper sa mga ito. Tinitigan pa iyon ni Isaac at binali-baliktad na parang may hinahanap. Nakita niyang sinaway ito ni Zaira bago ito tumigil at humalukipkip.

"Ito lang? Dalawang bond paper? 'Yung isa, listahan ng mga pangalan? Nating mga taga-Bargra? Tapos blangkong papel 'yung isa? Saka teka, may ballpen pala. Red ballpen." Kunot-noong saad ni Isaac. "Ano namang meron dito?"

Napahilamos si Yhinn sa mukha saka bumuntong-hininga. Hindi niya rin alam. Ano nga naman ang mayroon sa listahan ng mga pangalan nila, isang blangkong papel at isang ballpen? Wala, hindi niya alam. Awtomatikong hinanap ng mga mata niya si Eugene para humingi ng opinyon. Nang mapansing nakatingin ito sa labas ay kumunot ang noo niya. Unti-unti niyang tinanaw ang tinitingnan nito at halos mapatalon siya sa nakita. Natigilan lang siya nang hawakan siya sa braso ni Grace na parang pinakakalma kaya bahagya siyang napangiti.

"Pare-pareho tayong walang alam kung ano'ng meron dito. Pwedeng wala lang 'to, pwede rin namang clue 'to. Ewan, hindi ko alam," sabat ni Zaira.

"Clue?" malakas na sambit ni Ulyses mula sa malayo habang ginagamot ni Anya ang sugat nito.

"Paano kung wala pa lang ibig sabihin 'yan?" ani Anya.

"Pwede. Siguro. Ewan. Pero malakas ang kutob kong clue 'to," bulong ni Zaira. "Ano sa tingin mo, Yhinn?" Sabay baling nito sa kanya.

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon kahit naguguluhan saka niya muling inabot at ibinalik sa loob ng envelope na hawak ang mga bond paper. Pwede ngang clue ito, pwede rin namang ordinaryong listahan lang. Pinasadahan niya ng kamay ang may kahabaan niyang kulot na buhok bago bumuga ng hangin. Magsasalita na sana siya ngunit nabaling ang atensyon niya kay Manang Fely nang dahan-dahan itong magtaas ng kamay. Halatang hirap na hirap ito kaya napangiwi siya.

"Manang! Wag n'yo pong piliting kumilos, hindi n'yo pa kaya!" ani Zaira saka dali-daling pinabalik ang matanda sa pagkakahiga sa sofa. Sa kanyang kaliwa naman ay narinig niya ang sabay-sabay na pagsinghap nila Nigel, Isaac at Grace.

"Dumudugo na naman ang mga sugat ni Manang," bulong ni Nigel, "tingin ko kailangang-kailangan na siyang madala sa hospital." Maingat nitong hinawakan ang balikat ng matanda at sinuri. Nakita ni Yhinn ang pagdaing ni Manang Fely sa pagkakahawak ng lalaki kaya lumapit siya't inawat ito.

"Nigel, tama na 'yan. Nasasaktan si Manang kahit sa simpleng hawak lang."

Tumango naman ito. "Sorry, Yhinn."

Ngumiti na lang siya nang pilit. Iniabot niya kay Zaira ang hawak na envelope na ikinakunot ng noo ng huli. "Anong gagawin ko dito?" tanong nito.

"Crack the code daw, Zaira."

"Yes, tama si Gerard. Try to crack the code. Kung clue man 'to, kailangang malaman agad natin kung ano ang posibleng mabuo mula sa mga pangalan natin," pagsang-ayon ni Nigel.

"Hindi n'yo 'ko tutulungan?" Ngumiwi si Zaira.

"Isaac, Anya, Zaira, Grace, Mikaella, kayo ang bahala sa papel na 'yan." Tinitigan ni Yhinn isa-isa ang mga ito. Inikot niya muli ang paningin sa mga kasama. "Nigel, Eugene, Gerard, Neo, sumama kayo sa'kin, lalabas tayo."

Ab InitioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon