Published Under POP FICTION

180K 2.1K 135
                                    

Published na nga po ang BRIDAL SHOWER. Sa maniwala ako at hindi, PUBLISHED na nga sya.hehehe Siguro nagtataka ang ilan sa inyo paano nga ba nangyari na mapupublished ang mga gawa ko. Wala naman akong story na sabihin natin na kagaya ng iba na SIKAT talaga, nagtretrending pa nga yung iba. Ang pinanghahawakan ko lang, nag 1M reads sya dati nung hindi pa uso ang Million Reads dito sa Watty. Yung kokonti pa lang tao. 

Pero bakit nga ba? Hindi din ako nagbigay ng HINT sa inyo na FOR PUBLISH sya. Mahirap din kasi sa part ko na sabihin na ipupublish sya pero hindi ko alam kung kelan. Mahirap na pati kayo maghihintay kung kailan nga ba? Kaya sinarili ko muna yun, kahit mahirap din para sa akin na may hinihintay. Kaya hindi din ako makapag update at makapagsulat kasi sobrang pressure ang binigay sa akin ng idea ng pagpupublish.

Paano nangyari na mapupublish sya under POP FICTION (SUMMIT)?

After MIBF last year, na uso talaga ang nagpupublish, parang dalawang beses akong nareject ng Publishing Company. Yung una nireject ang pinasa kong Manuscript, yung pangalawa, hindi ako kinontact after kong ibigay ang username ko sa wattpad, inisip ko na siguro binisita nya ang profile ko at wala syang nakitang sobrang daming READS kaya hindi na sila nag feedback. kaya nagkaroon ng BATCH 2 ang SELF PUB ng BOOKS ko kasi WAY ko yun para iangat ang TRUST ko sa sarili ko. Na wala man akong SOBRANG DAMING READS , may READERS pa din na susuporta at bibili ng gawa ko. Kaya ayun. Sabi ko hindi na ako susubok na magpasa pa sa Publishing Company, hindi na din ako aasa na may mag ooffer sa akin na Publishing Company.Na parehong hindi natupad yung dalawang bagay na yun. Isang madaling araw may nakatext akong isang Author, naopen nya na naghahanap daw ang Summit ng story, na magpupublish na din daw ng tagalog, na tumatanggap daw ng kakaibang story, sa makatuwid, nakumbinsi nya ako na magpasa ng story. Dapat Board Exam Deal ang ipapasa ko, pero naisip ko nung time na yun wala pa silang Author na under ng NON TEEN FICTION/HUMOR kaya BRIDAL SHOWER ang pinasa ko. October 8,2013 ako nagpasa sa kanila. Octber 11,2014 nagreply sila. May kasama ng Publishing Contract. Kaya ayun po. Yung huli kong try buti naging maganda ang kinalabasan.

Kaya yun ang dahilan kung bakit walang BATCH 3 ng SELF PUB, kaya hindi ako maksagot sa mga nagppm kung may ipupublish ba sa gawa ko? Kaya dalawang beses kong tinanggihan ang isang Publishing Company na gustong ipublish ang BED at TNL. At yung isang publishing Company na gusting magpublish ng BRIDAL SHOWER kasi EXCLUSIVE na ako sa POP FICTION (SUMMIT).

Maalis ba sya sa WATTPAD?

Hindi po sya maalis sa watty. Plan ko pa ngang lagyan ng special chapters pag  umayos na ang utak ko. kaya po mababasa pa sila ng mga hindi pa nakakabasa. At pwede pang ulitin ng mga makakamiss kay Vince. Yung cover po dito sa watty ay yun po yung cover nung book. Sa mga bibili, matutuwa po kayo sa pin ups. Ang ganda ng pic sa loob.

Magkano daw?

Ang sabi po sa page 175 daw po. Pero sa cover na sinend nila 195 php po sya. Sabi din ni Kieth kasi may nakita na sya sa Booksale sa Bulacan. 195 php nga daw po. 

Soft copies na kumakalat.

Madami pong group sa FB na namimigay ng soft copies o pwedeng magdownload ng SC. Meron din akong napuntahan na group na kumpleto yung story ko. Sana matigil na yun lalo na po sa mga PUBLISHED STORIES. Illegal na nga sya dahil may copy right sa Watty, eh lalo na sa mga Published na talaga. If mababasa naman sya sa watty hindi ko makita yung bakit kailangan pa ng Soft copies?

Sana hindi ko kayo mabigo. mas lamang kasi na kinakabahan talaga ako kesa maging excited dahil narelease na ang BS. Kasi babalik at babalik pa din ako sa tanong na DESERVING BA AKO?

Salamat sa suporta sa VINCE DUO :)

SiLi GUYS!!

_casper_

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bridal Shower (Published Under POP FICTION) 🎉
Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon