BS 011

314K 4.2K 150
                                    

VINCE'S POV: 

Habang kumakain hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Kasi after nya akong paunahin kanina at masaktan at topakin kami pa din ang magkasabay na magdinner. Kahit pa take out lang itong kinakain namin ito na siguro yung pinaka special na dinner para sa akin. 

"dito ako matutulog" 

Hindi ako nanghihingi ng permiso sa kanya. Ang lakas din ng loob mo VINCE. Parang napakasimpleng bagay yung gusto mong gawin. 

"bahala ka, may isa pa namang room dyan" 

"sa tabi mo ako matutulog" 

"HOY VINCE, kung gusto mo matulog dito, dun ka sa isang room kung ayaw mo dun umuwi ka na lang" 

"sige dun ako sa isang room," 




GAB'S POV: 

"sige dun ako sa isang room" 

waaaaaaaahhhhhh GAB wag na wag kang magpapadala sa malungkot nyang boses. Tama na yung minsan na nakalusot na walang nangyari sa inyong dalawa. Saka na lang pag sinagot mo na.. eh? ansabeh?hahaha Pagkatapos naming kumain. 

Kumuha lang sya ng gamit sa sasakyan nya at tumuloy na sya sa room na katabi lang ng kwarto ko. Ako naman eh naglinis ng pinagkainan namin. Di ba parang mag asawa na talaga kami. YUN na lang ang kulang. Exciteeeeeeedddddddd.hahahaha 

Nung matapos ako dumiretso na din ako sa kwarto ko, madadaanan yung room ni VINCE bago yung kwarto ko. Pag tapat ko sa pinto ng kwarto nya nagulat na lang ako nung bumukas yun at dali dali nya akong hinila papasok. 

"VINCE ano ba?!!" 

"di ba sabi mo bawal ako sa kwarto mo? pero hindi mo sinabi na bawal ka dito" 

Pakiremind nga na sobrang talino nitong lalaking ito. Sa sobrang talino nakakatanga syang MAHALIN. Inihiga nya ako sa kama tas niyakap ng mahigpit na mahigpit. Papatayin ba nya ako? GAB gusto naman?

Kaso hindi ko ata kaya nung bumulong na sya sa tenga ko. Grabe bakit ang init?!! Pengeng payong... 

"Bakit ka ba natatakot na makatabi akong matulog? Alam ko naman na nanliligaw pa lang ako. Gusto ko lang talaga na mayakap ka ng ganito.. MAHAL na MAHAL kita VENICE GABRIELLE" 

Lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya. 

"MAHAL KITA VINCE" 

Nagulat sya sa sinabi ko pero saglit lang kasi hinalikan na nya ako, grabe ang bilis lang. pero kahit nabibilisan ako sa mga pangyayari nagawa kong tugunin ang halik nya ng mas maalab.Sabi na sa inyo konting konti na lang sasagutin ko na sya.

Konting paglalapit lang pala ng katawan namin bumigay na ako. Alam ko na hindi ko mapipigilan ang kung ano mang magaganap ngayon.

At hindi din akong mag aabalang pigilan sya sa kung ano man ang gagawin nya. 

Alam ko na masyadong mabilis pero anong magagawa ko? 

Papatagalin ko pa ba eh isang taon na ang nasayang?

Sa pagpapaubaya ko ngayon hindi ko alam kung KAMI na ba talaga sa huli pero hindi ako magsisisi.

Pero sana huwag mong sayangin ulit ang pagtitiwala ko VINCE MICHAEL VILLALUZ. 

.................................................................................... 

detailed na BS? teka lang pag iisipan ko muna yun..hahaha siguro hindi ganun kadetailed.. wala po akong balak mag private ng chapter para sa BS ng Bridal shower. Ayaw ko lang yung idea na kaya ifafan para sa restricted chapter. 

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon