BS 009

351K 4.8K 333
                                    

dedicated po kay princessrhea. May utang pa ata akong dedication nung nag marathon ka ng BF. Villaluz din naman to..hehehe 

VINCE'S POV: 





Almost two weeks na akong nanliligaw kay VINCE. Hatid-sundo ko sya sa opisina nya. Sabi nga nya hindi naman daw ako shuttle service para hatid-sundo araw araw. May trabaho din naman daw ako. Ok lang naman sa akin, kahit anong SERVICE gagawin ko para sa kanya.. kahit ROOM SERVICE pa yan..hahaha

Ngayon nga nasa tapat na naman ako ng opisina nila, naghihintay sa paglabas nya. Mga one hour na siguro ako dito, minsan kasi hindi nya ako nasasabihan kung mag oovertime ba sya o hindi. 

Nung lumabas sya may kasabay sya na lalaki. Hindi ko maiwasan na hindi masaktan sa nakikita ko. Isang taon akong nawala kaya imposible na walang lumapit sa kanya. Hindi ko din sila masisisi kung mapamahal sila kay VINCE. 

Pero potek nagseselos ako!! 

"GAB, nag iinvite silang magdinner ngayon tara sama ka. Last week hindi ka na sumama" 

Medyo pa cute pa yung G*go habang kausap si VINCE. Kung pwede ko nga lang hilahin si VINCE palayo sa kanya gagawin ko.. pero wala pa akong karapatan ngayon. Ayaw kong mangibabaw ang TOPAK ko baka tuluyan ng mawala sa akin si VINCE. 

"OK.. VINCE una ka na lang. Pasensya ka na" 

"OK po.. ingat" 

Tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sya pumayag eh alam nya na kanina pa ako naghihintay sa kanya? Sobrang lakas ba nung lalaking yun sa kanya para ipagpalit ako? O balewala na talaga ako sa kanya? 

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon