BS 014

313K 3.7K 299
                                    

 Dedicated po kay candyxiah. Napadaan po ako sa profile mo, medyo tinamaan lang ako ng konti dun sa reply mo sa MB mo..hehe Late man o late na nga at sobrang late na nga at late nga.. Salamat po sa pag fan at sa pagbabasa ng kaadikan ni GAB at VINCE.hehe 

GAB'S POV: 

 

 

 

 

 

Akala ko magdadate kami pero nakakapagtaka lang kasi pumasok kami sa isang exclusive subdivison sa may alabang. Medyo kinakabahan na nga din ako sa pagkakaupo dito sa sasakyan ni VINCE kasi parang alam ko na kung saan kami pupunta.

Bakit hindi man lang nya ako ininform? Agad agad? 

Kailangan ngayon na agad? 

"VINCE saan tayo pupunta?" 

"papakilala kita kayna mommy at daddy" 

Kahit parang alam ko na dun nga parang nagulat pa din ako, o pinipilit ko lang ang sarili ko na baka sa iba kami pupunta. 

"kailangan talaga ngayon muna ako ipakilala?" 

Medyo nagulat sya sa sinabi ko kaya bigla nyang itinabi ang sasakyan. Hindi naman sa nagagalit ako pero kinakabahan talaga ako na ipapakilala nya ako sa parents nya. Saka sana sinabihan nya ako na dito kami pupunta hindi yung BIBIGLAIN nya ako ng ganito.

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon