BS 003

449K 6.2K 643
                                    

dedicated po kay pangz r0na1990. Wala naman akong choice.hahaha para sa collection ng cover. 

VINCE'S POV: 





"NO WAY!!!" 

Andito kami ngayon ng mga barkada ko sa isang bar sa Alabang. Dahil ng sa napatunayan ko na yung sarili ko sa grandparents ko, OK na sa kanila na kahit papaano magliwaliw naman ako. Parang pati kasiyahan ko sila yung may kontrol. 

"Sige na naman pre, kung hindi ko lang talaga nalaman na pupunta dun ang mga kapatid ko at pinsan sa party na yun hindi naman ako hihingi ng favor na pumalit ka sa akin, nakakahiya naman kasi bayad na sila" 

"papahiramin na lang kita ng pera para ibalik yung ibinayad nila" 

"hindi naman yun about sa pera VINCE, bukas na ng gabi yung party wala na silang mahahanap na kapalit, hahayaan mo ba na masira yung party nila?" 

"bakit sa akin mo pa isisisi kung hindi matutuloy yun? bakit kasi hindi nyo itigil yang kakaibang negosyo nyo" 

Anong negosyo ng mga barkada ko? Nagsasayaw lang naman sila sa mga BRIDAL SHOWER. Katuwaan lang talaga nila, katwiran nila hindi dapat pinagkakait sa mga babae na makakita ng magandang tanawin. 

Pero hindi ko din naman masisisi yung mga babae na maglaway sa mga g*gong to, kahit siguro hindi sila magsayaw hindi pa din sila lugi. Hindi naman namin sinadya pero lahat kami sa barkada eh sabihin na natin na SUPER HOT. 

Kaya minsan nga daw sa mga pinupuntahan nila na party yung bride pa mismo ang nagbibigay ng sarili nila. Kaya hindi ko din sila masisisi kung bakit ayaw na ayaw nilang itigil ang kakaibang negosyo nila. 

"20K" 

"20K?!!! grabe ka naman VINCE, 10K lang binayad sa amin tapos sisingilin mo ako ng 20K?" 

"syempre 10K sa talent fee. 10K sa kahihiyan o wag na lang?" 

"langya ka VILLALUZ, businessman ka nga" 

BUSINESSMAN? Yun naman talaga yung kapalaran ko simula pa lang. Pagkagraduate ko ng Chemical Engineering, April kumuha na agad ako ng Board Exam, ayaw pa nga ng mga prof ko, sa November na daw ako kumuha para makapagreview daw ako para maging TOP 1. Pati sa kanila may PRESSURE din.

Kaya yun nung kumuha ako ng Board Exam sekreto lang, pati sina mommy at daddy hindi nila alam. Ayaw kong dumagdag pa sila PRESSURE nung time na yun. Nung malaman nila na TOP 2 lang ako medyo nalungkot pa sila. Sayang daw kasi 0.01% lang yung lamang ng TOP 1 sa akin, kung nagreview lang daw sana ako.

After kung makapasa sa Board Exam nag MASTERAL naman ako.. BUSINESS ADMINISTRATION. Kaya habang nagtratraining ako sa Company nag aaral pa din ako. Kaya nagawa ko lahat within a year. 

Hindi ko lang alam kasi kahit sobrang busy ko,kahit isang saglit hindi siya nawala sa isip ko. Siguro dahil na rin sa lahat ng pinaghihirapan ko para sa kanya lahat yun. Kasi lahat ng mga ACHIEVEMENTS ko walang kwenta kung WALA din naman SIYA. 

"VINCE.. ano bukas huh?" 

"Ok.. sige una na ako" 

Parang hindi ko maimagine ang sarili ko na magsasayaw sa harap ng mga babae na naghihintay lang na unti unti kang maghubad. Parang nakakapagsisi tuloy na tinanggap ko to. Paano kung malaman ni VINCE? ..shet. hindi naman siguro.. Isang beses ko lang naman gagawin.. bukas lang. 

Sa susunod naman na maghuhubad ako SIYA na lang yung makakakita. Grabe lang ang iniisip mo VINCE. Kamusta na nga kaya SIYA. Namimiss ko na talaga SIYA. 

................................................................... 

hindi ko alam kung makakapag UPDATE ako bukas. last day ng shift namin tas OT na ulit ako sa susunod. WALA pong UPDATE sa SABADO. PARTY na ata yun susunod na chapter.hahaha 

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon