BS 016

261K 3.2K 425
                                    

Dedicated po sa kanya. Natawa naman ako sa comment mo na wag ISUBO ang MAITIM at MAPAIT... na kanin.. Natuwa ang mga brain cells ko.HAHAHA

VINCE'S POV:







Birthday ni VINCE ngayon. Malamang bukas ang KASAL nya dun sa babaeng yun. Hindi ko naman pinagkakaila na hindi ako nasasaktan hanggang ngayon,Ilang beses na ding pumunta si VINCE dito sa bahay ko pero hindi ko sya hinaharap.

Para ano pa? Para magpakatanga ulit? Tama na yung dalawang beses akong naging tanga para sa kanya. Tama na yung sobra akong nasaktan para sa kanya. TAMA na yung binigyan ko sya ng pangalawang pagkakataon pero sinayang ;ang nya. At sana hindi ka na lang bumalik VINCE MICHAEL VILLALUZ kung iiwan mo lang ulit ako.

Ilang araw na din akong hindi pumapasok sa company. Kasi baka puntahan lang ako ni VILLALUZ dun. Kung ang ginagawa ko ay parang isinusuko ko agad si VINCE, siguro nga isinusuko ko na sya, kung sana  sinundan nya agad ako nung gabing yun baka hindi ganito ang gagawin ko. Kasi kung sigurado talaga sya sa akin hindi kailangang lumipas ang magdamag bago nya ako puntahan.

Andito ako ngayon sa bahay. Kung ano lang magawa para malibang ang sarili. Masyado ako busy sa paglalaro ng TUBE HERO ng may nag door bell, pagtingin ko naman hindi naman si VINCE yung nasa labas pero isang gwapong lalaki na medyo may edad na.. siguro 45-49 years old na sya pero gwapo. Nung binuksan ko yung pinto saka ko lang napansin na medyo may hawig pala sya kaya VINCE, so kaya pala GWAPO? Medyo kinabahan naman ako kasi anong gagagwin nya dito.

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon