BS 049

178K 2K 215
                                    

May nabasa akong comment sa last chapter.. "Kamote bitin!!!!" Ngali ngalii ko ng ireply "eto oh SAGING". Pinipilit kong huwag ng masyadong mag react sa mga comment nyo kaso wala akong magawa. Nagkukusa na lang na tinotopak ako. Sana lang mag isip muna bago magcomment kasi hindi ko obligasyon na mag update agad agad o nasa sa akin kung paano ko tatapusin ang isang chapter, o kung kailan ko balak mag update. Problema ko yun huwag nyo ng ulit ulitin sa akin. Kasi pwede kong hindi tapusin ang mga story ko o kung tapusin ko man para sa akin na lang yun, o para sa lahat ng malapit sa akin, masyado ng madaming oras ang naigugol ko dito at yung mga dapat kong gawin sa buhay ko naisasantabi ko.

Huwag nyo akong pilitin na mag update kasi sabi nga "MAASIM ang HINOG sa PILIT".

GAB's POV:

Natapos ang kasal at reception at andito kami sa hotel suite namin. Bukas ako dadalhin ni Vince kung saan mang sorpresang balak nya. Kanina pa syang maasikaso sa akin, mula sa reception pa tas nung buhatin nya ako papasok kanina. Sya na naghubad ng wedding gown ko at binihisan na din nya ako. First Night namin masyado naman ata nyang pinaparamdam na mag asawa na talaga kami. O asawa ko na sya. Hindi nakakapagsisi na maging asawa nya.

"ok ka na ba? si baby?"

Medyo lumuhod pa sya at pinakinggan ang tummy ko. Ngayon pa lang nakikinita ko na na magiging mabuting ama ka Vince Michael.

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon