BS 008

356K 5.3K 164
                                    

Dahil mababait ang readers ko dito, dito muna ako mag uupdate. Dedicated po kay itsmeibyang. Nakahabol daw sya dito, hindi daw nya pwedeng palampasin ang anak ng topakin na couple.hehehe

GAB'S POV:

Hindi ko na napigilan na umiyak. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ulit ako sa kanya. Iniiyak ko lahat, yung mga bagay na hindi ko naiiyak simula ng magkahiwalay kami ibinuhos ko lahat sa kanya ngayon na yakap yakap nya ako.

Tama nga siguro sila, ang taong mananakit sayo ng sobra eh yung tao din na makakapag pagaan ng loob mo. Hindo ko namalayan na nakatulog na ako sa tagal kong umiyak sa kanya. Pagmulat ko andito na ulit ako sa KAMA nya.

Bakit ba napakakomportable ng pakiramdam ko dito sa KAMA nya? Pagbaling ko sa tabi ko andun din si VINCE. nakatulog din sya. Tumagilid ako para makaharap ko sya. Bale magkatapat na ang mukha namin.

Pinagmasdan ko lang sya. Ito ko kasi ang unang pagkakataon na nakatabi ko sya. Sabi ko nga hindi naman kami lumampas sa limitasyon ni VINCE nung kami pa.

Masaya na kami na magkasama lang. Busy din kasi kami kasi graduating kami noon.

"MAHAL KITA"

Sa isip ko lang sinabi yung mga katagang yun. Alam ko na humihingi sya ng isa pang pagkakataon, gusto ko naman kahit papano mag eeffort sya.

Hindi yung bibigay na lang ako basta basta.

Kahit pa ang GWAPO GWAPO NYA.

OO SYA na ang GWAPO.

Naramdaman ko na iniyakap nya yung kamay nya sa may waist ko. Kaya mas lalong nagkalapit ang mukha namin. Konti na lang ang pagitan ng labi nya sa labi ko.

Wala na sigurong isang pulgada. Siguro mga 2.49 centimeters na lang ang pagitan. Hindi ko magawang kumilos, naligo naman ako kanina pero bakit naiinitan ako ngayon?

Pumikit na lang ako. Hindi ko matagalan na titigan ang mukha nya, ang labi nya. Hindi ko matagalan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan sya. Pagmulat ko ulit nakangiting mukha nya ang bumungad sa akin.

POTEK GISING PALA ANG G*GO!!!

"Manliligaw ulit ako huh?"

Hindi ko magawang magsalita. Paano naman ako makakapagsalita feeling ko mahahalikan ko na sya pag ginalaw ko ang labi ko.

"Manliligaw ulit ako huh?"

Ang kulit din ng lahi. Tumango na lang ako. Shet paano ka ba tatanggi sa gwapong nakahain sa iyong harapan? Madaya.

"Manliligaw ulit ako huh?"

"OO na nga di ba?"

"OO na agad? sinasagot mo na agad ako?"

"adik. Uuwi na ako"

Akmang babangon na ako ng pinigilan nya ako. At ang walanghiya umibabaw pa sa akin.

"Manliligaw ulit ako huh?"

"ang khulet ng lahi mo VINCE.. pumayag na nga di ba?"

"hahaha OK lang yun malapit na tayong maging magkalahi"

"hahaha adik"

"Manliligaw ulit ako huh?"

"OO NGA!!"

"Pa ADVANCE.."

Bago ko pa magets yung "PA ADVANCE"na sinasabi nya.

Hinalikan na nya ako. Matagal .. Malalim. Eh di ba nasa ibabaw ko sya? Shet. Nagkusa na lang ang kamay ko na ilagay sa batok nya habang tinutugon ang halik nya.

Kailangan ka pa naging MASTER OF SEDUCTION VINCE MICHAEL VILLALUZ?

_casper_

Bridal Shower (Published Under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon