"Ang tipan ng Diyos"

1.6K 4 0
                                    

Awit 89:33-34
[33]Ngunit ang pangako't pag-ibig kay David,ay di magbabago, hindi mapapatid.
[34]Ang tipan sa kanya'y di ko sisirain,     ni isang pangako'y di ko babawiin.

Ang pag-ibig at pagmamahal ng Diyos sa bawat isa ay walang makakapantay. Napakasarap lang na isipin na sa kabila ng ating mga pagkukulang ang paggabay at pag-iingat ng Diyos ay hindi nagbabago. Gaya na lamang ng mga pangako na darating ang tamang panahon na ito'y magkakaroon ng katuparan.
Sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagsuway kung minsan, pakatandaan natin na ang pangako at tipan ng Diyos sa atin ay kailanman ay hindi niya sisirain at babawiin.

Tunay ngang walang makakapantay sa pag-ibig ng Diyos. At dahil dito hingin mo ang pag-iingat at pagmamahal ng Espiritu Santo na tulungan kang maisapamuhay ang bawat aral na iyong natututunan.
At kung sa mga sandaling ito'y may mga pangako kang pinanghahawakan sa Diyos, ito ang tamang pagkakataon upang mas lalong maniwala na darating ang tamang panahon na ito ay magkakaroon ng katuparan.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus. Salamat po panginoon sa panibagong umagang ito ng aking buhay. Salamat po sa mga pangakong inilaan niyo sa buhay ko. Tulungan niyo po akong mangarap muli at umasa na darating ang panahon na ang pangarap na ito'y bibigyan niyo ng katuparan. Salamat po sa pagkupkop sa akin at sa wagas mong pag-ibig. Dalangin ko pong kayo ang patuloy na kumilos at gumabay sa landasing ito ng aking buhay. Muli, maraming maraming salamat po. Sa pangalan ni Jesus...

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalWhere stories live. Discover now