"Kalakasan Ko'y Ikaw"

5.5K 10 1
                                    

Awit 18:1
O Yahweh, ika'y aking minamahal,     ikaw ang aking kalakasan!

           Sa bawat yugto ng ating buhay, marami na tayong mga taong nakilala, mga kaibigang pinaglaanan natin ng oras at higit sa lahat,  sila'y napamahal narin sa atin. Ngunit sa kabila nito, tila may kulang, tila may isang bagay na kung ano na hinahanap-hanap natin na pilit nating gustong masumpungan. Marahil dumating ka na rin sa point na gusto mo nang sumuko dahil tila pati ang iyong kalakasan ay unti-unti nang naglalaho, para ipagpatuloy pa ang buhay dito sa lupa. Kung ikaw nga ito, marahil ito na ang tamang pagkakataon upang mapunan na ang matagal mo nang pangungulila.

         Humingi ng gabay sa Espiritu Santo na tulungan kang umibig muli, at this time huwag mo nang ifo-focus sa iba kundi kay Jesus na siyang karapat-dapat mahalin. Ito na yung tamang pagkakataon upang sambitin ang mga  salitang minamahal kita Jesus, ikaw ang aking kalakasan, maghari ka sa buhay ko.

             Heavenly Father, In Jesus name, salamat po panginoong Jesus sa araw na ito sa pagtuturo sa akin na kailangan din po pala kitang mahalin. Patawad po sa mga panahong ako'y nalilito na kung saan-saan ko ibinaling ang aking mga mata, hayaan mo pong maiparamdam ko naman sayo kung gaano kita kamahal at kailangan sa aking buhay hanggang sa kayo'y dumating, sa pangalan ni Jesus...

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalWhere stories live. Discover now