"Pagtitiwalang Lubos"

3.4K 6 0
                                    

Awit 37:4-5
[4]Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
[5]Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,     tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.

Maliwanag ang pagkakadetalye ng salita ng Diyos na kapag ang ating buhay at sarili ay tuluyang itinalaga sa kanya, tayo'y nakatitiyak na ganap tayong tutulungan ng Diyos na ating pinaglilingkuran. At sa kabilang dako ang mga kabutihan mo ay patuloy na magliliwanag na parang araw kung tanghaling tapat kaya marapat lamang na panatilihing magpasakop sa Diyos upang mas lalo mo siyang makilala.

Ugaliin nating humingi ng gabay at tulong sa Espiritu Santo na tulungan tayong mas lalong magtiwala sa ating Amang nasa langit at tulungan kang maisapamuhay ang bawat aral na iyong natututunan at hayaang ang iyong liwanag ay patuloy na magbigay liwanag rin sa iba patungo sa Diyos na iyong pinaglilingkuran.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus, maraming salamat po sa panibagong umaga na ito ng aking buhay. Salamat po sa pagtuturo na kailangan ko palang mas lalong italaga ang aking sarili sa inyo. Salamat po sapagkat ako'y nakatitiyak na ako'y inyong sasamahan at tutulungan sa lakbaying ito ng buhay. Hayaan niyo pong mas lalo ko pa po kayong makilala upang sa ganoon ang liwanag na nagmumula sa inyo patungo sa aking buhay ay makita rin ng mga taong nakaka-daumpalad ko. Salamat po sa prebelihiyong kilalanin ako na isa sa inyong mga anak. Maraming maraming salamat po, sa pangalan ni Jesus...

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalWhere stories live. Discover now