"Hiwaga ng Diyos"

3.2K 7 0
                                    

Colosas 2:2
Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman patungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo.

Kalangkap ng pagsunod ay ang pagtitiwala, pagtitiwala namay kalakip na pagkaunawa at kaalaman patungkol sa kabutihan at hiwaga ng Diyos. Sikaping intindihin at unawain ang tunay na kahulugan kung bakit higit na mas matimbang parin ang pag-ibig ng Diyos kaysa higit sa anumang mga bagay.

Ito ang tamang pagkakataon upang mas lalo mong maunawaan ang patungkol sa kabutihan at hiwaga ng Diyos, Ang patungkol sa pag-ibig ng Diyos na makikita sa krus, na kung saan maski ang kanyang kaisa-isang anak ay kanyang inialay sa sanlibutan upang tayo'y maligtas at makasama sa buhay na walang hanggan. Humingi ng tulong sa Espiritu Santo na mas lalo mong maunawaan at maisapamuhay ang pagmamahal sa kapwa.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus, maraming salamat po sa panibagong umagang ito ng aking buhay. Patawarin niyo po ako sa mga panahong sarili ko lang ang iniintindi at iniibig ko. Hayaan niyo pong simula sa araw na ito ay matutunan ko rin ang ibigin ang iba at kapwa ko sa tulong ng inyong Espiritu Santo. Gabayan niyo po ako sa lakbaying ito at patuloy na maisapamuhay ang bawat aral na itinuturo niyo po sa akin. Maraming- maraming salamat po, sa pangalan ni Jesus...

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon