"Paghatol"

2.5K 8 0
                                    

Mateo 7: 1-2
[1]“Huwag kayong humatol, nang kayo'y di hatulan.
[2]Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.


Wala sa kamay ng sinumang tao ang karapatan na hatulan ang kaniyang kapwa, nangyayari ang bawat bagay dahil may lihim siyang panukala sa bawat- isa sa atin, kung naapi ka man o nasaktan.
Kung ang ibinunga ng pangyayaring iyon ay pagluha at kabiguan, dapat mo lamang tanggapin dahil iyon ang kapalarang iginuhit sa iyong palad. Iyon ang pagsubok na iniatang sayo ng Diyos. Kung sa mga sandaling ito ang puso moy binabalot ng poot at labis na paghihimagsik dahil sa sinapit mong kaapihan sa ibang tao,batahin mo. At kung ikaw ay nabibigatan sa iyong pasahin, isuko mo itong lahat sa Diyos. Palayain mo ang galit na nakulong sa iyong dibdib. Manalig ka kapatid! kailan man ay hindi ka nya iiwan, hindi ka nya pababayaan, may inilaan siyang gantimpala sa bawat pagtitiis at pagluha mo. Ang Diyos na lumikha sa lahat ng bagay, ang nagbigay ng buhay, siya lamang ang may karapatang humatol sa bawat taong nagkasala at naging dahilan ng ating kasawian.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalWhere stories live. Discover now