"Iwasan ang Pagsisinungaling

7.4K 12 1
                                    

Colosas 3:9-10
[9]Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito.
[10]Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala.

            Bilang isang tagasunod ni Cristo, hangga't maaari ay iwasan na natin ang pagsisinungaling sapagkat lagi mo sanang tatandaan na hinubad mo na ang dati mong pagkatao tulad ng: pagiging makasarili, maling gawain, makamundong pagnanasa at marami pang iba. Marapat lamang na isuot muna ang bagong pagkatao na nililok ng Diyos para sayo na kung saan patuloy na nagbabago at nagiging kalarawan ng Diyos na siyang lumikha sa atin, upang sa ganoon ay mas lalo mo siyang makadaumpalad at makilala.

         Hilingin sa Espiritu Santo na tulungan ka nitong mamuhay at lumakad sa buhay kristiano mo, humingi ng gabay sa bawat segundo, minuto at araw ng iyong buhay at turuan kang lumakad sa bagong pagkatao na inilaan ng Diyos para sayo.

          Heavenly father, in Jesus name, salamat panginoon sa araw na ito , salamat po sa pagreremind sa akin kung sino na ngaba talaga ako sa harapan mo. Salamat po sa prebelihiyong ako'y binago mo na at patuloy na binabago at inaayos upang maging karapat dapat sa iyong harapan. Dalangin ko pong patuloy na kayo ang kumilos sa aking buhay mag pahanggang sa kayo'y dumating, sa pangalan ni Jesus. Amen.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon