"Pagtanaw ng utang na Loob"

1.9K 4 1
                                    

Hukom 9:17
Alalahanin ninyong kayo'y ipinaglaban ng aking ama. Itinaya niya ang kanyang buhay upang iligtas kayo sa mga Midianita.-JOTAM

Marami sa atin sa kasalukuyang panahon ang tulad ng mga taga Shekem na kung saan madaling makalimot sa kabutihan ng Diyos. Bakit ko nasabi?
Sapagkat dahil sa kawalan ng utang na loob at pagkabulag at pakikinig sa sinasabi o sinusulsol ng iba kung kaya madaling naaagaw ang ating atensyon. At dahil sa ating kapalaluan, hirap nating alalahanin kung paano tayo iniligtas at tinulungan ng Diyos. Naway maalala natin yung mga panahon na ipinako si Jesus Cristo hindi para mapunta lang sa wala kundi, upang maintindihan mo rin ang salitang Pag-ibig ang wagas at dalisay na pag-ibig tungo sa ating ikaliligtas.

Kung sa tingin mo dumarating ka sa panahon na hirap kang alalahanin ang kabutihang ginawa sayo ng iyong kapwa dahil narin siguro sa hindi kayo nagkaunawaan at nagkaintindihan kung kaya dumarating ka sa puntong nakalimutan mo na ang kabutihang ginawa niya sayo, ito ang tamang pag-kakataon upang balikan kung paano kayo nagkatagpo at nagkakilala. At muling alalahanin at balikan ang masaya niyong pinagsamahan. Tanggalin ang galit na nakulong sa iyong dibdib. Manalig ka kapatid! Walang mabuting maidudulot ang pagkakaroon ng Pride at sama ng Loob. Para kang naghuhukay ng sarili mong libingan. Naway alalahanin mo ang salitang PAG-IBIG na makikita sa krus.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus . Salamat po panginoon sa panibagong umagang ito ng aking buhay. Salamat po sa pagpapaalala sa akin na kailangan kung tumanaw ng utang na loob sa mga taong naging dahilan kung bakit ako nandirito sa kinalalagyan ko ngayon. Patawad po sa mga panahon na sarili ko lamang ang iniintindi ko. Tulungan niyo po akong matutong umibig muli at alalahanin ang kabutihan ng kapwa ko sa akin. Sa pangalan ni Jesus...

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon